West Virginia
Ang West Virginia / west ver·jin·ya / ay isang estado ng Estados Unidos sa matatagpuan sa rehiyong Appalachian ng Estados Unidos. Kahangganan nito ang Virginia sa timog-silangan, Kentucky sa timog-kanluran, Ohio sa hilagang-kanluran, Pennsylvania sa hilaga, at Maryland sa hilagang-silangan. Ika-41 ang West Virginia sa lawak ng nasasakupan, habang ika-38 sa pinakamatao sa 50 estado ng Estados Unidos. Charleston ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito.
West Virginia | |
---|---|
Bansa | Estados Unidos |
Bago naging estado | Virginia |
Sumali sa Unyon | Hunyo 20, 1863 (35) |
Kabisera | Charleston |
Pinakamalaking lungsod | Charleston |
Pinakamalaking kalakhan at urbanong lugar | Charleston metro area |
Pamahalaan | |
• Gobernador | Jim Justice |
• Gobernador Tinyente | Mitch Carmichael |
Lehislatura | West Virginia Legislature |
• Mataas na kapulungan | Senate |
• [Mababang kapulungan | House of Delegates |
Mga senador ng Estados Unidos | Joe Manchin (D) Shelley Moore Capito (R) |
Delegasyon sa Kamara ng Estados Unidos | 1: David McKinley (R) 2: Shelley Moore Capito (R) 3: Nick Rahall (D) |
Populasyon | |
• Kabuuan | 1,852,994 (2,010 Census) |
• Kapal | 75.1/milya kuwadrado (29.0/km2) |
• Panggitnang kita ng sambahayanan | $38,029 |
• Ranggo ng kita | 48th |
Wika | |
• Opisyal na wika | none (de facto English) |
Latitud | 37° 12′ N to 40° 39′ N |
Longhitud | 77° 43′ W to 82° 39′ W |
Naging estado ang West Virginia kasunod ng Wheeling Conventions ng 1861, kung saan ang 50 hilagang-kanlurang counties ng Virginia ay nagpasiyang humiwalay sa Virginia noong Digmaang Sibil Amerikano. Tinanggap ang bagong estado sa Unyon noong Hunyo 20, 1863, at naging mahalagang estado noong Digmaang Sibil. Tanging ang West Virginia lamang ang estadong naitatag sa pamamagitan ng paghiwalay mula sa isang Confederate state at isa sa dalawang estado itinatag noong Digmaang Sibil Amerikano (ang isa ay ang Nevada na humiwalay sa Utah Territory).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.