Uli-uli

(Idinirekta mula sa Whirlpool)
Tungkol ito sa galaw ng tubig. Para sa ibang gamit, tingnan ang uli-uli (paglilinaw).

Ang uli-uli, puyo ng tubig, alimpuyo ng tubig, o ipo-ipo ng tubig (Ingles: whirlpool) ay isang matulin na paulit-ulit na pag-ikot ng daloy ng tubig na karaniwang nalilikha ng mga paglaki (pagtaas) at pagkati (pagbaba) ng tubig sa karagatan o ibang bahagi ng katubigan. Ang pinaka karamihan sa mga alimpuyo ng tubig ay hindi napaka malalakas. Ang mas makakapangyarihan o mapuwersa ay mas tinatawag na mga maelstrom. Mas angkop na tinatawag bilang borteks ang anumang uli-uli na mayroong pababang ihip ng hangin. Napaka kakaunting mga uli-uli ang madaling makita habang nalilimas na ang tubig mula sa lababo o isang paliguang taong papunta sa butas na puntahan ng tubig, subalit nalilikha ang mga ito dahil sa isang napaka kakaibang mga paraan kung ihahambing sa nagaganap sa kalikasan. Ang maliliit na mga alimpuyo ng tubig ay lumilitaw din sa paanan ng maraming mga talon.[1] Sa kaso ng malalakas na mga talon, katulad ng Talon ng Niagara, ang mga uli-uli ay maaaring maging lubhang mapuwersa. Ang pinaka malalakas na mga ipu-ipo ng tubig ay nalilikha sa loob ng makikitid at malanday (mababaw) na kipot kung saan mayroong mabilis na dumadaloy na tubig.

Isang uli-uli sa loob ng isang baso ng tubig.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Carreck, Rosalind, pat. (1982). The Family Encyclopedia of Natural History. The Hamlyn Publishing Group. p. 246. ISBN 011202257. {{cite book}}: Check |isbn= value: length (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kalikasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.