Wikaing Gyeongsang
Ang Wikaing Gyeongsang ay isang diyalekto o wikain ng Wikang Koreano na kadalasang ginagamit sa rehiyon ng Yeongnam kabilang ang mga lalawigan ng Hilaga at Timog Gyeongsang. Ang Wikang Gyeongsang ay tinuturing na direktang nanggaling sa Wikang Silla ng mga tagapagsalita ng Koreano. Ang mataas na tono sa pagbibigkas ay ang nagpapaiba sa Wikang Gyeongsang mula sa tunay na Wikang Koreano. Higit kumulang sa sampung milyong Koreano ang nakakapagsalita ng Wikang Gyeongsang.
Marami rin pagkakaiba ang Wikang Gyeongsang sa bawat lugar sa rehiyon ng Yeongnam. Ang katutubong tagapagsalita ay malalaman ang taga Daegu mula sa taga Busan. Ang anyong pangwika ay halos pareho sa kahabaan ng Ilog Nakdong ngunit naiiba na sa bandang Busan, Jinju, at Pohang, at maging sa silangang bahagi ng Bundok Jiri.
Huling Kasysayan
baguhinMula sa rehimen ni Park Chung Hee hanggang kay Kim Young Sam (1961-1997), ang Wikang Gyeongsang ay may kataasang impormal sa lahat ng ibang diyalekto sa dahilang ang lahat ng naging pangulo ay mga katutubo ng Lalawigan ng Gyeongsang.
Kawing Panlabas
baguhin- The characteristics of the North Gyeongsang Dialect Naka-arkibo 2004-12-26 sa Wayback Machine. (sa Koreano)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika at Korea ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.