Wikang Islandes

(Idinirekta mula sa Wikang Icelandic)

Ang wikang Islandes /sˈlændɪk/ (Islandes: [íslenska] ( pakinggan)) ay isang wikang Hilagang Hermaniko na sinasalita ng halos 314,000 katao, karamihan nito ay nakatira sa Islandiya kung saan ito ang pambansang wika.[1] Malapit nitong kamag-anak ang Peroes at Kanlurang Noruwego.

Islandes
Íslenska
Bigkas['i:s(t)lɛnska]
Katutubo saIslandiya
Mga natibong tagapagsalita
314,000 (2015)[1]
Indo-Europeo
  • Hermaniko
    • Hilagang Hermaniko
      • Kanrulang Eskandinabyo
        • Eskandinabyong Insular
          • Islandes
Mga sinaunang anyo
Wikang Lumang Nordiko
Latin (Alpabetong Islandes)
Braille ng Islandes
Opisyal na katayuan
 Iceland
Pinapamahalaan ngSuriang Árni Magnússon para sa Araling Islandes sa kapasidad ng pagpapayo
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1is
ISO 639-2ice (B)
isl (T)
ISO 639-3isl
Glottologicel1247
Linguasphere52-AAA-aa
Ang mananalita ng wikang Islandes:
  mga rehiyon kung saan may mayoridad ang wikang Islandes
  mga rehiyon kung saan may minoridad ang wikang Islandes
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Mas konserbatibo ang wika kumpara sa mga ibang wikang Kanlurang Europeo. Habang ang karamihan sa kanila ay may antas ng impleksyon na lubusang nabawasan (lalo na deklensyon ng mga pangngalan), pinapanatili ng Islandes ang apat na kaso ng sintetikong bararila (maihahambing sa Aleman, ngunit higit na mas konserbatibo at sintetiko) at nakikilala sa pamamagitan ng mga sarisaring iregular na deklensyon. Dahil hindi masyadong nagbago ang nasusulat na wika, nakababasa ang mga taga-Islandiya ng mga klasikong panitikang Lumang Nordiko na inilikha noong ika-10 hanggang ika-13 siglo (tulad ng mga Edda at saga) nang may kadalian.

Ang Islandes ay malapit na kamag-anak ng, ngunit hindi kapwa nauunawaan kapag sinasalita, ang wikang Peroes habang haos pareho ang mga anyong nasusulat.[2] Hindi kapwa nauunawaan ito at ang mga wikang Eskandinabyong kontinental (Danes, Noruwego, at Suweko) at mas malayo pa mula sa mga pinakasinasalitang wikang Hermaniko Ingles at Aleman kumpara sa unang tatlo.

Maliban sa 300,000 nagsasalita ng Islandes sa Islandiya, sinasalita ito ng halos 3,000 tao sa Dinamarka,[3] 5,000 tao sa Estados Unidos,[4] at higit sa 1,400 tao sa Canada,[5] lalo na sa rehiyon kilala bilang New Iceland sa Manitoba na pinagtirahan simula noong dekada 1880.

Nagsisilbi ang Suriang Árni Magnússon para sa Araling Islandes na pinondohan ng gobyerno bilang sentro ng pagpepreserba ng mga edad medyang manuskritong Islandes at pag-aaral ng wika at ang kanyang mga panitikan. Ang Sanggunian sa Wikang Islandes, na binubuo ng mga kinatawan ng mga unibersidad, manlilikha, mamamahayag, guro, at ang Ministeryo ng Kultura, Agham at Edukasyon ay nagpapayo sa mga awtoridad tungkol sa patakaran ng wika. Mula 1995, tuwing 16 Nobyembre bawat taon, ipinagdiriwang ang kaarawan ni Jónas Hallgrímsson, isang makata noong ika-19 siglo, bilang Araw ng Wikang Islandes.[6][7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Wikang Islandes at Ethnologue (19th ed., 2016)
  2. Barbour, Stephen; Carmichael, Cathie (2000). Language and Nationalism in Europe. OUP Oxford. p. 106. ISBN 978-0-19-158407-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Statbank Danish statistics
  4. "Icelandic". MLA Language Map Data Center. Modern Language Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-06. Nakuha noong 2010-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Based on 2000 US census data.
  5. "Canadian census 2011". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-10-11. Nakuha noong 2020-05-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Icelandic: At Once Ancient And Modern" (PDF). Icelandic Ministry of Education, Science and Culture. 2001. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2007-06-15. Nakuha noong 2007-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Menntamálaráðuneyti" [Ministry of Education]. Nakuha noong 2007-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.