Wikang Kopto

(Idinirekta mula sa Wikang Koptiko)

Ang wikang Kopto (bariyasyon: kótiko, koptik, kóptiko) ay isang wikang Apro-asyano na sinalita sa Ehipto hanggang sa 17k siglo, at syang huling stage sa kontinuwum ng mga wikang Ehipsyo bago tuluyang mapalitan ng wikang Arabe matapos ang pananakop ng mga muslim mula sa Arabiya. Gumagamit ang wikang Kopto ng modipikasyon ng alpabetong griyego na may dagdag na letra para sa mga ponemang di matatagpuan sa griyego (tulad halimbawa ng tunog sh na sa Kopto ay gumagamit ng modipikadong omega upang magmistulang kagaya ng shin sa Ebreo at Arabe). Mababakas din sa nasabing alpabeto ang impluwensyang demotiko, isang cursive na alpabetong ginagamit ng mga eskriba at paring ehipsyo sa mabilisang pagsulat ng hayroglipiko. Ang wikang Kopto ang opisyal na wika ng liturhiya ng Simbahang Ortodoks ng Ehipto.

Heograpiya at Kasaysayan

baguhin

Itinuturing nang lipasikan (ekstinto) ang wikang Kopto dahil sa kawalan ng mga taal na tagapagsalita nito, pangunahin na dahil nadisnan na ito ng wikang Arabe bilang wika ng Ehipto matapos ang konkestang muslim ng Hilagang Aprika simula ikapitong siglo. Gayunpaman, namasigla ang wika bilang istandard pampanitikan noong ika-12 hanggang ika-13 siglo, at nagksaroon ng tila Renasans na pagbuhay (likbugan) noong ika-19 sa mga intelektwal na Ehipsyo. Kunsarado ang wika eksklusibo sa Ehipto at kalapit-lugar kaya't malaki ang impluwensya ng nasabing wika sa dilura/dialektong ehipsyo ng wikang Arabe.

Bilang bahagi ng tuluy-tuloy na kasaysayan ng wikang Ehipsyo, ang wikang Kopto ay maituturing na pinakabagong manipestasyon ng wikang ehipsyo, kasama ng Kalaunang Kasaysayan (Late Period) ng wika matapos ang etapang demotiko; naging pangunahing wika ng mga Ehipsyo ang Kopto (bilang wikang kolokyal). Gayunpaman, matapos maipailalim sa mga Arabeng muslim, sa utos na rin ng Kalipa Abd al-Malik ibn Marwan, pinalitan ng arabe ang Kopto at griyegong kiní (koine) bilang opisyal na wika ng rehiyon, at lahat ng mga dokumento at transaksyon ng gobyerno ay iniutos na isagawa sa arabe lamang. Naging tuloy-tuloy ang pagpuntag ng wikang Kopto matapos ang pagsakop ng mga arabo, na kilnailangang isulat ng obispong Sibiro ibn al-Mukapa ang Kasaysayan ng mga Amang-Simbahan, ang pangunahing aklat-pangkasaysayan ng Simbahang Ortodoks sa Ehipto sa arabe sa halip na sa Kopto kagaya ng dati. Nanatili namang buhay ang wikang Kopto sa mga komunidad na kristyano sa Ehipto, partikular na sa mga Ortodoks at katoliko.

Ang pag-uusig sa ilalim ng mga Mamluka ay lalong nagpabilis sa pag-puntag ng nasabing wika, hanggang sa tuluyan na nga itong napalitan ng arabe bilang wikang sinasalita ng karaniwang mamamayan. Noong ika-19 na siglo, pinangunahan ni Sirlo IV, Santo Papa ng Iskanderiya (hindi ng Roma), ang muling pagsasabuhay (revival) ng wikang Kopto, katulad ng ginawa ni Benito XVI sa wikang Latin ngayon lamang ika-21 siglo, sa kanyang pagka-Papa. Nananatili pa ring limitado sa simbahan at mga iskolar ng sinaunang Ehipto (mga ehiptologo) ang pagkakaalam at pagkabihasa sa nasabing wika.

Kaugnayan sa Sinaunang Ehipsyo

baguhin

Ang relasyon sa pagitan ng wikang Kopto at ng sinaunang wikang ehipsyo ay katulad ng sa latin at sa mga wikang néolatino (romanse), dahil na rin sa ispesipikasyon at pagbabagong pangwika na taglay nito.dahil narin sa iisa lng din ang bansa nito.