Ang Novial (Ingles: Novial, mula sa nov- "bago" + IAL o international auxiliary language, Internasyonal na Awksilyar na Lengguwahe) ay isang wikang artipisyal na inimbento ni Propesor Otto Jespersen, isang lingguwistikong Danes na dati ay nagsangkot sa kilusang Ido. Inimbento niya ang Novial para maging isang Internasyonal na Awksilyar na Lengguwahe (Ingles: International Auxillary Language o IAL), na magtutulong sa internasyonal na komunikasyon at pagkakaibigan, pero hindi titinagin ang katutubong wika ng sinuman.

Watawat ng Novial

Ang talasalitaan ay sa kalakihang hinango sa mga wikang Hermaniko at Romanse, at ang balarila ay inimpluwensiya ng Ingles.

Ang pinakaunang pagpapakilala ng Novial ay sa aklat ni Jespersen, An International Language, noong 1928, na pinagpabago sa kanyang diksiyonaryong Novial Lexike na pinalimbag pagkatapos nang dalawang taon (1930). Mga sumusunod na mga modipikasyon ay minungkahi noong dekadang 1930, pero dahil sa kamatayan ni Jespersen noong 1943, naging inaktibo ang wikang ito, pero mula noong dekadang 1990, kasama ng pagbubuhay ng interes sa mga artipisyal na wika na dinala ng Internet, nadiskubre ulit ng alinmang tao ang Novial.


ISO 639-3 nov

Halimbawa

baguhin
Ama Namin
Novial Tagalog

Nusen Patre, kel es in siele,
mey vun nome bli sanktifika,
mey vun regno veni;
mey on fa vun volio
kom in siele anke sur tere.
Dona a nus disdi li omnidiali pane,
e pardona a nus nusen ofensos,
kom anke nus pardona a nusen ofensantes,
e non dukte nus en tentatione,
ma liberisa nus fro malu.
Amen.

Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo
dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Amen.

Tingnan din

baguhin
 
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Novial

Novial Lexike

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.