Ang wikang Polabo ay isang wikang Kanlurang Eslabo na sinasalita ng mga Polabong Eslabo (Aleman: Wenden) sa kasalukuyang hilagang-silangan ng Alemanya sa palibot ng ilog ng Elbe (Łaba/Laba/Labe sa Eslabo), kung saan nagmula ang pangalan nito ("po Labe" – hanggang Elbe o [naglalakbay] sa Elbe). Ito ay sinasalita humigit-kumulang hanggang sa pagbangon sa kapangyarihan ng Prusya noong kalagitnaan ng ika-18 siglo – nang ito ay pinalitan ng Mababang Aleman – sa mga lugar ng Pomoré (Mecklemburgo-Kanlurang Pomerania), ihambing ang nauugnay na mga Morino at Veneto ng Armorica), gitnang ( Mittelmark) bahagi ng Branibor (Brandeburgo) at silangang Sahonya-Anhalt (Wittenberg na orihinal na bahagi ng Béla Serbia), gayundin sa silangang bahagi ng Wendland (Mababang Sahonya) at Dravänia (Schleswig-Holstein), Ostholstein at Lauenburg). Ang Polabo ay medyo mahaba din (hanggang sa ika-16 na siglo) na sinasalita sa at sa paligid ng mga lungsod ng Bukovéc (Lübeck), Starigard (Oldenburg), at Trava (Hamburgo) . Ang mga di-napatutunayang diyalektong Eslabo ng Rügen ay tila may higit na pagkakatulad sa Polabo kaysa mga uri ng Pomeranio.[1] Sa timog, may hangganan ito sa lugar ng wikang Sorabo sa Lusacia.

Mga Tala

baguhin
  1. Lehr-Spławiński, Tadeusz (1922). "Szczątki języka dawnych słowiańskich mieszkańców wyspy Rugii". Slavia Occidentalis (sa wikang Polako). II: 114–136.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga sanggunian

baguhin

Padron:Slavic languagesPadron:Pomeranian history