Wikipedia:Patakaran sa bot
- en: Requests for the bot flag should be made on this page. This wiki uses the standard bot policy, and allows global bots and automatic approval of certain types of bots. Other bots should apply on talk page.
Ang nilalaman ng pahinang ito ay opisyal na patakaran sa Wikipedia. May malawak itong pagtanggap sa pagitan ng mga tagapatnugot at kinikilala bilang isang pamantayan na nararapat sundin ng lahat. Maliban sa maliliit na pagbabago, maaaring gamitin ang pahinang usapan upang magmungkahi ng mga pagbabago sa patakarang ito. |
Ang mga bot, pinaikli mula sa salitang robot ("tau-tauhan"), ay kusang gumagalaw o nagpapagalaw sa sariling mga panitik o mga proseso na nagsasagawa o nagsasakatuparan ng mga gawain o trabaho sa Wikipedia. Sa kadalasan gumagawa sila ng mga gawain na magiging matagal ang paggawa kapag wala ang bot.
Ginagawa ng mga bot ang kanilang mga gawain sa ilalim ng ibang pangalan ng tagagamit na bukod sa may-ari sa kanila, upang maging madali ang pagkakakilanlan sa kanila at mapagkaiba rin sila mula sa isa't isa. Gayundin, ang mga pamamatnugot o pagbabagong ginagawa ng mga bot ay nakatago o nakakubli mula sa pahingang katulad ng Natatangi:Kamakailang mga pagbabago upang maiwasan ang pagdagsa o pagkapuno ng talaan dahil sa kanilang mga gawain. Upang makita ang mga pagbabagong ginagawa ng mga bot, kinakamay na idagdag ang hidebots=0 sa inyong bagting ng pagtatanong (query string), o pindutin ang "ipakita ang mga pamamatnugot ng bot" ("show bot edits") sa itaas ng Pinakabagong mga pagbabago.
Ang pinakatanyag na uri ng bot ay ang tinatawag na Python Wikipedia Robot Framework o "pywikipediabot" kapag pinaikli.
Pangkasalukuyang mga bot
baguhinPagbibigay ng pahintulot sa bot
baguhinUpang mabigyan ng pahintulot na magpatakbo ng isang bot, iminumungkahing maging isa ka munang mabuting tagapag-ambag. Ilarawan ang bot mo sa pahina ng usapan, lumikha ng isang akawnt para rito, magsagawa ng ilang mga pagsubok sa loob ng maikling panahon, at makipagkasundo mula sa iba pang mga tagagamit na ang gawain ng bot ay isang mainam na ideya. Kapag nagawa na iyan, maaaring bigyan na ng isang bandila ang iyong bot; nagmumula ang bandila ng bot mula sa isang burokrato (para malaman kung sinu-sino ang mga burokrato, tingnan ang Wikipedia:Mga tagapangasiwa.
Pandaigidigang mga bot
baguhin- Ang wiking ito ay gumagamit ng pampamantayang patakaran sa bot, at nagpapahintulot ng pandaigdigang mga bot at kusang pagbibigay ng pahintulot sa partikular na uri ng mga bot. Ang iba pang mga bot ay dapat na humingi ng pahintulot mula sa pahinang ito.
Mga paghiling ng tulong mula sa bot
baguhinKung mayroon kang isang gawain na iniisip mong makakatulong ang isang bot, makipag-ugnayan sa isang may-ari ng bot, o gumawa ng kahilingan mula sa pahina ng usapan.