Ang mga suleras na pangwika ng mga patnugot (editor) (Ingles:User language templates) ay mga katulong sa pag-aalam kung anu-ano ang wikang maisasalita ng isang patnugot (editor) ng Wikipedia. Ang ideyang ito ay nagsimula sa Wikimedia Commons at ginamit na sa Meta-Wiki at iba't-ibang mga Wikipedia. Para gumamit ng pang-Babel na suleras (template), ganito ang dapat gawin:

Paggawa ng Babel

baguhin
  • Magsimula sa {{Babel
  • Susunod, magdagdag ng isa sa mga sumusunod na code para sa bawat wika na nasasalita o naiintindihan, hinihiwalay ng | , kung saan ang xx ay ang Wikipedia code para sa wika. Ang pangkalahatang paggamit ng code sa bawat antas ay ang mga sumusunod (tandaan na hindi lahat ng mga wika ay mayroong lahat ng antas, ngunit ikaw ay maaaring gumawa ng template na hinahanap mo):
    • xx-0 kung hindi mo naiintindihan ang wika. Huwag gamitin ito para sa bawat wika na hindi mo alam; kapag lamang may ilang dahilan kung bakit maaaring inaasahan na malaman ang wika na ito.
    • xx-1 para sa mga pangunahing kakayahan - sapat na upang maintindihan ang nakasulat na materyales o simpleng mga katanungan sa wikang ito.
    • xx-2 para sa intermediate na kakayahan na antas - sapat na para mag-edit o para sa mga talakayan.
    • xx-3 para sa advanced na antas - bagamat maaari mong isulat ang wikang ito na walang problema, ilang na maliliit na mga mali ay maaaring mangyari.
    • xx-4 para sa malapit sa katutubong antas - bagamat hindi ito ang iyong unang wika mula sa kapanganakan, ang iyong kakayahan ay isang bagay na tulad ng isang katutubo.
    • xx (walang mga gitling o numero) para sa mga katutubong tagapagsalita na gumagamit ng isang wika araw-araw.
  • Pagkatapos tapusin sa pamamagitan ng pagdagdag ng pagsasara na braces: }}
Wikipedia:Babel
tlAng tagagamit na ito ay taal na tagapagsalita ng Tagalog.
en-4 This user speaks English at a near-native level.
Maghanap ng mga wika ng mga tagagamit

Halimbawa, ang {{Babel|tl|en-4}} ay magpapahiwatig nang isang katutobong tagapagsalita ng Tagalog at malapit sa katutubong antas na pagsasalita ng Ingles.

Ang mga template na ito ay idadagdag ka sa kategorya na kaugnay sa iyong antas ng pagunawa, at sa pangkalahatang kategorya para sa wika na iyon.

Ang karamihan ng mga dalawa at tatlong titik na code ay kinuha mula sa ISO 639, ngunit tingnan ang listahan na ito para sa isang kumpletong gabay.

Ikaw ay maaaring tumulong sa pagpapalawak ng sistemang ito sa pamamagitan ng paglikha ng mga template para sa iyong wika. Ang mga kategorya para sa karamihan ng mga wika ay nagawa na kapag ang kanilang edisyon ng Wikipedia ay naglalaman ng higit sa isang daang mga artikulo; pero kailangan silang lagyan ng mga pangalan! Inirerekomenda na kopyahin ang Ingles o Pranses na bersyon kapag nagpapalawak ng mga template, kasi ang karamihan ng mga wika na nakalista na dito ay hindi pa kumpleto.