Wikipedia:Patakaran sa bot

(Idinirekta mula sa Wikipedia:Bot)

Ang mga bot, pinaikli mula sa salitang robot ("tau-tauhan"), ay kusang gumagalaw o nagpapagalaw sa sariling mga panitik o mga proseso na nagsasagawa o nagsasakatuparan ng mga gawain o trabaho sa Wikipedia. Sa kadalasan gumagawa sila ng mga gawain na magiging matagal ang paggawa kapag wala ang bot.

Ginagawa ng mga bot ang kanilang mga gawain sa ilalim ng ibang pangalan ng tagagamit na bukod sa may-ari sa kanila, upang maging madali ang pagkakakilanlan sa kanila at mapagkaiba rin sila mula sa isa't isa. Gayundin, ang mga pamamatnugot o pagbabagong ginagawa ng mga bot ay nakatago o nakakubli mula sa pahingang katulad ng Natatangi:Kamakailang mga pagbabago upang maiwasan ang pagdagsa o pagkapuno ng talaan dahil sa kanilang mga gawain. Upang makita ang mga pagbabagong ginagawa ng mga bot, kinakamay na idagdag ang hidebots=0 sa inyong bagting ng pagtatanong (query string), o pindutin ang "ipakita ang mga pamamatnugot ng bot" ("show bot edits") sa itaas ng Pinakabagong mga pagbabago.

Ang pinakatanyag na uri ng bot ay ang tinatawag na Python Wikipedia Robot Framework o "pywikipediabot" kapag pinaikli.

Pangkasalukuyang mga bot

baguhin
Pangalan ng bot May-ari Tungkulin
AiraBot Felipe Aira pagkakawing ng ugnayang-wiki
Albambot 알밤한대 pagkakawing ng ugnayang-wiki
Alexbot Alexsh pagkakawing ng ugnayang-wiki, pagpapanatili
BodhisattvaBot Dalibor_Bosits pagkakawing ng ugnayang-wiki
CarsracBot Carsrac pagkakawing ng ugnayang-wiki
Chobot ChongDae pagkakawing ng ugnayang-wiki
DragonBot Jacob.jose pagkakawing ng ugnayang-wiki
GnawnBot StormDaebak pagkakawing ng ugnayang-wiki
Idioma-bot Hugo.arg pagkakawing ng ugnayang-wiki
Jotterbot Jyothis pagkakawing ng ugnayang-wiki
Luckas-bot Luckas Blade pagkakawing ng ugnayang-wiki
Maskbot Bluemask pagkakawing ng ugnayang-wiki
BotMultichill Multichill pagkakawing ng ugnayang-wiki
Muro Bot Muro de Aguas pagkakawing ng ugnayang-wiki
PipeBot Pipep pagkakawing ng ugnayang-wiki
Ptbotgourou Gdgourou pagkakawing ng ugnayang-wiki
SieBot Siebrand pagkakawing ng ugnayang-wiki
StigBot Stigmj pagkakawing ng ugnayang-wiki
Synthebot Julian Mendez

pagkakawing ng ugnayang-wiki

WikiDreamer Bot WikiDreamer pagkakawing ng ugnayang-wiki
タチコマ robot Cool Cat pagkakawing ng ugnayang-wiki

Pagbibigay ng pahintulot sa bot

baguhin

Upang mabigyan ng pahintulot na magpatakbo ng isang bot, iminumungkahing maging isa ka munang mabuting tagapag-ambag. Ilarawan ang bot mo sa pahina ng usapan, lumikha ng isang akawnt para rito, magsagawa ng ilang mga pagsubok sa loob ng maikling panahon, at makipagkasundo mula sa iba pang mga tagagamit na ang gawain ng bot ay isang mainam na ideya. Kapag nagawa na iyan, maaaring bigyan na ng isang bandila ang iyong bot; nagmumula ang bandila ng bot mula sa isang burokrato (para malaman kung sinu-sino ang mga burokrato, tingnan ang Wikipedia:Mga tagapangasiwa.

Pandaigidigang mga bot

baguhin

Mga paghiling ng tulong mula sa bot

baguhin

Kung mayroon kang isang gawain na iniisip mong makakatulong ang isang bot, makipag-ugnayan sa isang may-ari ng bot, o gumawa ng kahilingan mula sa pahina ng usapan.

Tingnan din

baguhin