Wikipedia:General disclaimer/TEMP
WALANG GARANTIYANG IBINIBIGAY ANG WIKIPEDIA, NA ANG IMPORMASYONG NILALAMAN NITO AY KUMPLETO, TAMA, MAAASAHAN AT MAPAGKAKATIWALAAN.
Ang Wikipedia ay hindi napagbalik-aralan ng mga propesyunal
baguhinIpinauunawa na ang balangkas ng Wikipedia, isang elektroniko at malayang ensiklopedya, ay bukas sa lahat nang may koneksiyon sa Internet at sa World Wide Web browser (elektroniko) at ang mga nilalaman nito ay maaring baguhin ninuman (malaya). Pinaaalahanan na ang napapaloloob sa Wikipedia, ay hindi napagbalik-aralan ng mga propesyunal na may tunay at sapat na kaalaman. Maaring ang nilalaman ng mga artikulo sa Wikipedia ay HINDI kumpleto, tama at maasahang o mapagkakatiwalaang impormasyon.
Walang Garantiyang Binibigay ang Wikipedia
baguhinNgunit hindi ibig sabihin nito na hindi makatatagpo ang mga mambabasa nito ng mga kapakipakinabang na impormasyon sa Wikipedia, pinapayuhan lamang ang lahat na ang Wikipedia ay walang binigay, ibinibigay o ibibigay na garantiya, sa ano mang kaparaanan, na ang mga impormasyon matatagpuan dito ay balido. Maaring ang mga artikulo nito kapagdaka ay binago ninuman. Ang pagbabagong ito ay maaring hindi kasanga-sang-ayon sa inyong paniniwala o interes. Ginagawan ng Wikipedia ng paraan na piliin at mapintulutan ang mga mas katiwatiwala at maaasahang bersyon ng mga artikulo, ngunit magkagayon man ay hindi pa rin mabibigyan ng karampatang garantiya. Ang pinakamalapit na bagay bilang halimbawa ay kasalukuyang matatagpuan sa proseso o pahinang Wikipedia:Napiling Artikulo. Gayumpaman, maging ang mga artikulo sa ilalim nito ay maaring walang awang binago matapos itong maisapubliko, o matapos na mabasa.
Walang Pananagutan ang Wikipedia
baguhinPakiusap na siguraduhing maunawain na ang mga impormasyon dito ay ibinibigay nang walang bayad, at kung magkagayon walang kasunduan namamagitan o kontratang nabuo sa pagitan ng mga gumagamit ng Wikipedia at sa mga may ari ng site na ito, servers, taga pagambag, administrador, sysops at ng iba pang konektado sa proyekto o mga kapanalig hinggil sa kung ano mang maaring ihain laban sa mga ito.
Wala sa mga patnugot, may akda, isponsor, administrador, sysops, o kahit sino pang may koneksiyon sa Wikipedia, ay/ang, sa ano mang kaparaanan responsable sa paglabas ng mga di naangkop, di wasto o mapanirang puring impormasyon. Wala rin pananagutan ang mga ito sa inyong paggamit ng mga impormasyon o pagtungo sa mga kawing panlabas.
Walang Pananagutang Kontraktuwal
baguhinAng lahat ay binibigyan ng limitadong lisensiya para kopyahin ang kahit anong bagay sa site na ito, gayumpaman ang pagbibigay ng nasabing lisensiya ay hindi bumubuo, tatag, likha o simula, o naghuhudyat ng isang pananagutang kontraktuwal, o kung ano pa man sa bahagi ng Wikipedia at ng mga ahente, miyembro, tagapag organisa, at mga tagapaggamit nito.
Karampatang Pagkilala sa mga Karapatang Ari
baguhinAng lahat ng markang pagkakakilanlan, markang pangkalakal, disenyong ari, personal na pag-aari, karapatang-ari, panglahatang marka at iba pang kahalintulad na pag-aaring nabigkas, o ginamit bilang reperensiya sa artikulo sa ensiklopedyang ito ay pawang pagaari lamang ng kani-kanilang tagapaglikha o may-ari. Ang paggamit sa mga ito ay hindi nangangahulugan na maari itong kopyahin o gamitin sa kahit anong kaparaanan maliban sa kahalintulad na paggamit o na panghahatid impormasyon, o gaya ng nasasaad sa iskimang lisensiyang GFDL. Maliban kung nabanggit, hindi iniindorso ng Wikipedia at Wikimedia ang mga ito, at hindi kapanalig, o ka "affiliate" sa mga may-ari ng mga ito. Hindi maaring magbigay ang Wikipedia ng karapatan sa paggamit ng mga ito, sapagkat maaring ang mga ito ay protektado o reserbadong materyales. Ang paggamit ng mga ito ay nasa inyong kamay, gayumpaman, ang paggamit rin ng mga ito ay may kaakibat na pananagutan.
Kalayaang Makapagpahayag at mga Legalidad
baguhinTandaan rin po, na ang mga impormasyon sa Wikipedia ay maaring taliwas sa mga batas na itinadhana ng inyong bansa, o nasasakupan lugar kung saan ito ay binibisita. Hindi kinukunsinte ng Wikipedia ang mga paglabag na ito, ngunit, dahil ang mga impormasyon dito ay naitatago sa server na nakabase sa Estado ng Florida, Estados Unidos, ito ay pinanatili sa liwanag ng proteksiyon naitadhana ng Saligang Batas ng Estados Unidos, lalong lalo na ang probisyon ng Unang Pag-aammiyenda at mga prinsipyong napasasailalim ng Deklarasyong Unibersal ng mga Karapatang Pantao ng Mga Bansang Nagkakaisa. Ang mga batas mula sa ibang bansa ay maaring hindi sumasaklaw sa mga proteksiyon sa Karapatang Makapagpahayag kahalintulad ng sa Estados Unidos o sa karta ng Mga Bansang Nagkakaisa, at kung magkagayon, ang Wikipedia ay walang pananagutan sa kahit ano pang paraan, sa kung ano mang potensiyal na paglabas sa mga batas.
Hindi nagbibigay ng payong medikal, legal, pinansiyal at iba pa
baguhinKung nangangailangan ng espesipikong payong medikal, legal, pinansiyal at pang "risk management", pinapayuhan na sumangguni sa mga lisensiyadong propesyunal na may sapat na kaalaman sa nasabing bahagi ng paksain. Mangyari ring basahin ang mga sumusunod:
Walang legal na pananagutan
baguhinGaya ng nabanggit, hindi unipormadong napagbalik-aralan ang nilalaman ng Wikipedia sa kaniyang bahagi o kabuuan, kahit na mayroong kakayanan ang mga mambabasa na baguhin, isatama o alisin ang mga hindi wastong suhestiyon o rekomendasyon, ang mga ito ay walang legal na pananagutan o obligasyon na isagawa ang mga ito. Bilang karagdagan, ang mga impormasyon sa Wikipedia ay walang garantiya na sapat, nararapat o kumpleto para sa iba pang paggagamitan.
Walang Pananagutan o Danyos na Maaring Hingin
baguhinWalang pananagutan o danyos na maaring hingin laban o mula sa Wikipedia, dahil ito ay binubuo lamang ng mga boluntaryong asosasyon ng mga indibidwal na may ibat ibang kaalaman (o kamalian), kultura at reperensiya. Inuulit pong ang mga impormasyong nilalaman nito ay binibigay ng walang bayad at walang kasunduan sa pagitan ng Wikipedia maliban sa lisensiyang GNU Free Documentation.
Mulit muli po, pinaaalalahanan na ang Wikipedia ay walang pananagutan sa pagbabago, pagaalis, o dagdag ng mga impormasyon na naririto.
Maraming salamat sa panahon na inyong iniukol sa pagbabasa ng pahinang ito at nawa ay maging maayos ang inyong paggamit, pagaambag at pagtangkilik sa Wikipedia.
Hindi Nag-iisa ang Wikipedia
baguhinMaging ang ibang ensiklopedya ay mayroon ring kanikaniyang paalala. Ilan lamang ang mga sumusunod sa sipi ng mga paalalang ito:
- britannica.com disclaimer (Hango sa Encyclopedia Britannica Online):
- "YOUR USE OF BRITANNICA.COM IS AT YOUR SOLE RISK."
- MSN.com disclaimer (hango sa Encarta Encyclopedia )
- "...AND THE ENTIRE RISK AS TO SATISFACTORY QUALITY, PERFORMANCE, ACCURACY, AND EFFORT IS WITH YOU."
- bartleby.com disclaimer (hango sa Columbia Encyclopedia)
- "YOU EXPRESSLY AGREE THAT USE OF THE SERVICE IS AT YOUR SOLE RISK."
pinatili ang mga paalalang ito sa orihinal na sipi at pagkakasulad (Wikang Ingles)