Sa programang Pangkat McLaughlin, ipinahayag ng analista ng MSNBC na si Lawrence O'Donnell na alam niya ang pagkatao ng pinagkunan ni Matthew Cooper sa iskandalong paglalantad ni Valerie Plame ay si Karl Rove. (Huffington Post)
Inilantad ng Punong Ministro ng Indya na si Manmohan Singh Sethusamudram Shipping Canal Project sa gitna ng mga protesta ng mga mangingisda at makakalikasan. Aabot sa 600 ang nahuli. (Rediff)(Reuters)
Sa Australya, ang pook ng huling paninindigan ng bushranger na si Ned Kelly sa Glenrowan, Victoria ay ginawang pambansang pamanang lugar. (ABC)(Australian)
Si Dave Zabriskie ang naging pangatlong Amerikano na nagsuot ng dilaw na jersey na pampinuno sa Tour de France. Tinalo niya ang kapwa Amerikano na si Lance Armstrong ng 2 segundo sa unang yugto. (le Tour de France official website)