Nagpasa ang Konseho ng Seguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa ng isang resolusyon (S/RES/1636 (2005)) na hinihiling ang madalian at mapuwersang buong kooperasyon ng Syria sa imbestigasyon ng pagpaslang sa dating Punong Ministro ng Lebanon na si Rafik Hariri. (CCTV)
Nagpatuloy ang mga kaguluhan sa Paris noong 2005 sa ikalimang gabi nito, na nagdulot sa pagkamatay ng dalawang kabataang Muslim mula sa shock ng kuryente. Naidulot ito ng mga pulis na nagpaputok ng gas na nagpapaiyak sa isang moske noong Linggo ng gabi na nagdulot sa mga pamilya ng mga namatay na kabataan na umatras sa pagpupulong sa Pranses na Ministeryo ng Interyor na si Nicolas Sarkozy. (news24)