Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 21
- Hindi bababa sa 10 nagpoprotesta laban sa pamahalaan ang namatay sa pagsabog ng bomba sa Mogadishu; kasama sa mga namatay ang mga taong galing sa Apganistan, Algeria, Indiya at Pakistan. (BBC)
- Halos 35 katao ang binihag ng ilang nagbebenta ng druga sa isang hotel ng mga turista sa São Conrado, Rio de Janeiro; isang babae na may kaugnayan sa kanila ang napatay. (BBC)
- Palestina nagbabala na maaaring masira ng mga gusaling nakatayo sa mga okupadong lupa ng Israel ang negosasyon. (Aljazeera)
- Musikerong si Wyclef Jean pormal nang idineklarang hindi angkop na maging kandidato sa pagkapangulo sa halalan sa Hayti. (Aljazeera) (BBC) (CNN) (Press Association via Google News)