Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2012 Abril 30
- Alitang armado at mga pag-atake
- Dalawang bomba ang sumabog sa bayan ng Idlib sa hilagang Syria na kung saan walong katao ang namatay. (AP via Yahoo! News)
- Iniutos ng isang korte sa Bahrain na litisin muli ang 21 na aktibista na sumama sa mga protesta laban sa pamahalaan. (Al Jazeera)
- Kinuha ng mga tropa na kampi kay Bosco Ntaganda – na siyang gusto ng Internasyonal na Korte ng mga Kriminal – ang dalawang bayan sa silangan ng Demokratikong Republika ng Congo. (BBC)
- Sining at kultura
- Naging pinakamataas na gusali sa Lungsod ng Bagong York ang One World Trade Center, na kung saan ay tinalo ang Empire State Building. Umaabot sa 1,776 talampakan (541 m) ang taas ng gusaling ito. (CBS News)
- Negosyo at ekonomiya
- Dumoble ang baba ng ekonomiya ng Espanya, kasama ang isat-kalahating populasyon na walang trabaho. (Al Jazeera)
- Sakuna
- Lumubog ang isang ferry sa Ilog Brahmaputra sa India na pumatay ng 103 na katao. (Reuters via Globe and Mail)
- Isang pangunahing sunog ang sumira sa mga hotel sa Gyllyngvase sa Falmouth, Cornwall. Hindi bababa sa tatlong katao ang sinisisi sa pangyayaring ito. (BBC)
- Internasyonal na relasyon
- Hindi nagbigay ng kumento ang Pangulo ng E.U. na si Barack Obama tungkol kay Chen Guangcheng, ang bulag na Tsino na pumunta sa Embahada ng E.U. matapos tumakas sa pagkakakulong sa bahay. (BBC)
- Inaresto ng Timog Korea ang siyam na manlalayag na Tsino pagkatapos masugatan ang apat an Koryanong opisyales sa pinagaawayang hangganan sa dagat. (AP via The Washington Post)
- Tatlong opisyales sa Taiwan at mga opisyales sa militar ang bumisita sa pinagaagawang Kapuluan ng Spratly sa Dagat Kanlurang Pilipinas. (Bangkok Post)
- Batas at krimen
- Inakusahan ang nagtatagong Pangalawang Pangulo ng Iraq na si Tariq al-Hashimi at kanyang mga bantay na pumatay sa anim na hurado. (Al-Arabiya)
- Politika at eleksiyon
- Sinabi ng pinuno ng opisisyon ng Burma na si Aung San Suu Kyi na naresolba na ang pinagaawayang salita para sa panunumpa at siya at kanyang mga kasama mula sa National League for Democracy ay dadalo sa parlyamento sa unang pagkakaton. (AP via Huffington Post)
- Palakasan
- Sa larong putbol, tinalo ng Manchester City ang Manchester United sa sinasabing pinakamalaking labanan sa kasaysayan ng Premier League. Nakaiskor si Vincent Kompany na kung saan ay nakatulong upang makarating ang City sa summit ng Premier League na may dalawa pang laro sa panahong ito ang naiwan para laruin. (BBC)