Isang planta ang sumabog sa lalawigan ng Jiangsu sa Tsina na kinitil ang buhay ng pito at sinugatan ang lima pang iba. Ito ang pangalawang pinakanakamamatay sa loob ng isang buwan pagkatapos ng pagsabog ng planta ng kimikal sa Xianshui noong 2019. (Reuters)
Nanalo sa ikalawang bahagi ng halalang pampangulo ng Slovakia ang kontra-korupsyon na kandidato na si Zuzana Čaputová ng partido Progresibo ng Slovakia na tinalo ang kasalukuyang namamahalang partidong kandidato na si Maroš Šefčovič, sa 58 bahagdan laban sa 42%. Siya ang magiging unang babaeng pinuno ng estado ng bansa. (BBC)