Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Oktubre 7
Kalusugan at kapaligiran
- Ginawad ng Pangasiwaan ng Pagkain at Gamot ng Pilipinas ang unang EUA (emergency use authorization o pahintulot sa paggamit sa emerhensiya) para sa gamot na Ronapreve upang gamitin sa panggamot sa sakit na COVID-19. (CNN Philippines)
Sining at kultura
- Nanalo ang nobelistang taga-Tanzania na si Abdulrazak Gurnah ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan ng 2021, "para sa kanyang matatag at mahabaging pagtagos ng mga epekto ng kolonyalismo at ang kapalaran ng mga takas." Paradise ang pinakabantog na nobela ni Gurnah, na sa kolonyal na Silangang Aprika noong Unang Digmaang Pandaigdig ang tagpuan. (The Economist)
Sakuna at aksidenta
- Lindol sa Balochistan ng 2021
- Hindi bababa sa 24 katao ang napatay at nasa 200 iba pa ang nasugatan nang tumama ang isang 5.9 magnitud na lindol sa Harnai, Balochistan, Pakistan. (Al Jazeera)
- Isang lindol na may preliminaryong magnitud na 6.1 ang tumama sa Tokyo, Hapon, at palibot nito, na sinugatan ang 41 katao at pinatigil ang mga linya ng tren ngunit walang daligang naiulat na matinding pakasira. Sang-ayon sa sistema ng Hapon, tinatakan ito bilang "malakas na 5 magnitud na lindol." (Reuters)