Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Disyembre 12
Batas at krimen
- Pagkalugi ng FTX
- Inaresto ang dating CEO ng FTX na si Sam Bankman-Fried sa Bahamas dahil sa hiling ng pamahalaan ng Estados Unidos tungkol sa hindi ibinunyag na kaso. (Reuters)
- Pamamaril sa Wieambilla
- Dalawang pulis at isang sibilyan ang namatay at dalawa pang pulis ang nasugatan nang namaril ang isang indibiduwal sa isang liblib na lugar sa Wieambilla, Queensland, Australya, kung saan iniimbistiga ng pulis ang isang ulat ng nawawalang tao. Napatay ang salarin ng mga pulis nang naglaon. (BBC News) (ABC News Australia)
- Pagrerehistro ng SIM kard sa Pilipinas
- Naglabas ang Pambansang Komisyon sa Telekomunikasyon ng IRR (implementing rules and regulations o mga patakaran at regulasyon sa pagpapatupad) sa pagrerehistro ng mga SIM kard ng teleponong selular na magkakabisa sa Disyembre 27. Naisabatas ang pagrerehistro ng SIM kard sa Pilipinas noong Oktubre 2022. (Philippine Daily Inquirer) (The Philippine Star)