Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2023 Oktubre 7
Armadong mga labanan at atake
- Labanang Israeli–Palestino
- Labanang Gaza-Israel ng Oktubre 2023
- Labanan ng Re'im
- Sandaling kinontrol ng Hamas ang himpilan ng ika-143 Dibisyong Gaza ng IDF sa Re'im, Konsehong Pang-rehiyon ng Eshkol, bago muling bawiin ng mga tropang Israeli. Iniulat na may ilang sundalong Israeli ang nabihag at kinuha mula sa Kahabaang Gaza. (Times of Israel)
- Labanan ng Sderot
- Hindi bababa sa dalawampung opisyal ng pulis ang pinatay ng Hamas sa loob ng himpilan ng pulis ng Sderot pagkatapos makuha ang gusali. (Jewish Press)
- Pagkakapatas sa Be'eri at Ofakim
- Naglunsad ang mga militanteng grupong Palestino sa pamumuno ng Hamas ng 3,500 raket tungo sa Israel at sinakop ang Katimugang Distrito sa pamamagitan ng lupa, dagat at himpapawid. (AP) (Reuters) (Memri)
- Ipinabatid ng pinuno ng Hamas na si Mohammed Deif ang simula ng Operasyong Al-Aqsa Flood. Nagdeklera ang Israel ng katayuang digmaan bilang tugon at hiniling sa mga Palestino na umalis sa Kahabaang Gaza. (AP)
- Hindi bababa sa 400 Palestino ang namatay at higit sa 1,600 ang nasugatan sa Kahabaang Gaza nang nilunsad ang mga pag-atake sa himpapawid ng mga Hukbong Himpapawid ng Israel. Hindi bababa sa 700 Israeli ang namatay at daan-daan pa ang nasugatan ng atake ng misil at barilan. Napatay si Yonatan Steinberg, ang kumander ng ika-933 Brigadang "Nahal" noong sagupaan sa Hamas sa Kerem Shalom. (Al Jazeera) (The Times of Israel) (The Atlas News)
- Nabihag ng Hamas si mayor heneral Nimrod Aloni ng Israel, ang kumander ng Pulutong Depth. Daan-daang sibilang Israeli ang kinuha tungong Gaza. Sinabi ng tagapagsalita ng Hamas na si Abu Obaida na ang mga kinuha ay nasa ligtas na mga lugar at mga lagusang panlaban. (The Independent) (The Telegraph)
- Labanan ng Re'im
- Labanang Gaza-Israel ng Oktubre 2023