Wikipedia:Magambag ng mga impormasyon na iyong nalalaman, o nais na matutunan

Dalawa sa alituntunin na dapat isaalang-alang. Gayumpaman, parehong kontrobersiyal ang mga alituntunin na ito.

Magambag ng mga impormasyon na iyong nalalaman, o nais na matutunan

baguhin

Magambag ng mga impormasyon na iyong nalalaman o nais na matutunan. Isa sa napakagandang bagay sa Wikipedia ay ang kakayahan ng kahit sino na mag-ambag ng kaniyang nalalaman. Isa pang bagay na maganda ay ang may kakayahan itong umanyaya sa mga Wikipedians na palaparin o palawakin ang kanilang interest at nalalaman sa bagong mga bagay, upang sila ay makadagdag sa "pedia". Ang ikatlong magandang bagay ay ang napakadaling pamamaraan kung saan maidadagdag ang mga bagong artikulo at upang matutunan ang pag wiwikify ng mga ito.

Ilang sa mga gumagamit ng Wikipedia ay nakakakita na ang kadalian nang pagdaragdag sa Wikipedia ay nagiging sanhi ng problema. Karamihan sa mga gumagamit ng Wikipedia ay may alam tungkol sa paksa, samantalang ang iba naman ay hindi man lamang naglalaan ng panahon at atensiyon sa mga ito, na nagiging dahilan ng pagdami ng stubs. Marami ang naiirita sa pagdami ng stubs sa dahilan napagiiwanan ang Wikipedia ng mga artikulong hindi tapos at hindi kapakipakinabang.

Samantala, mayroon ding may salungat na pananaw hinggil sa stubs. Ayon sa kanila ang problemang nabanggit sa itaas ay hindi problema, bagkus ay bahagi ng normal na proseso sa wiki. Ayon sa kanila ang maikling artikulo ay mas mabuti kaysa sa kawalan ng artikulo.

Panatiliing buo ang artikulo kung maari

baguhin

(isang alternatibong pagpaparirala)

Sa pagkakataon na nais lumikha ng artikulo, palaging subukan na ito ay tapusin at kumpletuhin hanggat maari. Gayumpaman, ang mga artikulong na lubhang may kakulangan ngunit may kapakipakinabang na simula, ay tinatanggap din. Siguraduhin lamang na nasiguro na ang mga artikulong ito ay hindi pa naisusulat sa Wikipedia sa ibang pangalan, pagbabaybay o sa ilalin ng ibang titulo. Kung magkagayon, mas makabubuti na lamang, na idagdag ang ang inyong kaalaman sa naisulat na paksa. Sa mga bagong dating, pinapaalala na huwag masyadong alalahanin ang "format" bagkus ay bigyan atensiyon ang "nilalaman" ng artikulo.