Wikipedia:Mga napiling artikulo/Palaikutan/2
Ang wiki ay isang uri ng websayt na pinapahintulot ang sinumang bumibisita sa sayt na magdagdag, magtanggal, o magbago na mga nilalaman na napakabilis at napakadali at hindi na kailangang magrehistro minsan. Maaari maging mabisang kagamitan ito para sa tulungang pagsusulat. Pinaikling anyo ng wiki wiki ang wiki na nanggaling sa katutubong wika ng Hawaii (Hawayano), na kung saan ginagamit ito bilang isang pang-uri na nangangahulugang na "mabilis" o magmadali (diksyunaryong Hawayan). Maaari ding tumukoy ang katagang Wiki sa tulungang software (wiki engine) na pinapadali ang operasyon ng ganoong websayt (tingnan wiki software). Sa katunayan, ang wiki ay isang pagpapayak ng paglikha ng mga pahinang HTML kasama ang isang sistema na nagtatala ng bawat indibidwal na pagbabago na naganap sa paglipas ng oras, sa alin mang oras, upang maibalik ang isang pahina sa rating katayuan nito. Maaaring mabilang ang iba-ibang kagamitan sa isang kaparaanang wiki, na dinisenyong magbigay sa mga tagagamit ng madaling paraan upang bantayan ang palagiang pagbabago ng katayuan ng wiki gayon din bilang isang lugar na pag-usapan at lutasin ang mga hindi maiiwasang mga isyu, gaya ng likas na hindi pagkakaunwaan sa nilalaman ng wiki. Maaari din na maging ligaw ang nilalaman ng wiki, dahil maaaring magdagdag ang mga tagagamit ng mga hindi tamang impormasyon sa pahina ng wiki. Ikinakahulugan minsan ang wiki bilang backronym para sa "What I know is" (Ang alam ko ay), na isang katagang Ingles na naglalarawan sa tungkulin nito sa pamamahagi, pag-iimbak, at pagpapalitan ng kaalaman.