Wikipedia:Mga sanaysay
This is an explanatory supplement to the polisiya sa mga sanaysay. This page is intended to provide additional information about concepts in the page(s) it supplements. This page is not one of Wikipedia's policies or guidelines, as it has not been thoroughly vetted by the community. |
Wikipedia essays |
---|
*Essays vs policy |
Essay directory |
*Essays in a nutshell
|
Ang mga sanaysay, ayon sa paggamit ng mga Wikipedista, ay kadalasang naglalaman ng mga payo at opinyon mula sa mga ilang tagapagambag ng Wikipedia. Ang hangarin ng isang sanaysay ay magsilbing gabay sa ensiklopedya ngunit hindi sa mga bagay na walang kaugnayan rito. Ang mga sanaysay ay walang opisyal na katayuan at hindi sumasalamin sa komunidad ng Wikipedia sapagkat maaari itong likhain at baguhin ng sino man ng walang tuwirang pangangasiwa mula sa komunidad. Ang pagsunod sa mga instruksyon ng isang sanaysay ay nasa kusang-loob ng bumabasa nito. Karaniwang malumanay lamang ang mga nakasulat sa mga sanaysay upang maiwasan ang pagkalito sa pagpapatupad ng mga opisyal na protokol ng Wikipedia. Sa kasalukuyan ay mayroong humigit-kumulang 2,000 mga sanaysay na may kinalaman sa Wikipedia.
Tungkol sa mga sanaysay
baguhinBagamat ang mga sanaysay ay hindi mga patakaran at panuntunan, maaari din itong isaalang-alang sa pag-aambag. Hindi lahat ng mga pangyayari ay nasasaklawan ng mga patakaran at panuntunan. Ang mga sanaysay ay maaaring magdulot ng iba't-ibang kahulugan o opinyon mula sa komunidad ukol sa mga pamantayan ng mga bagay at pangyayari. Ang kahalagahan ng isang sanaysay ay kailangan maunawaan ng naaayon sa konteksto gamit ang common sense at pagiingat. Ito ay maaaring maglaman ng mga mahaba o maikling sariusap, seryoso man o nakakatawa.