Wikipedia:Peminismo at Tradisyong-pambayan

  • Tahanan
  • 2024
  • 2023
  • 2022
  • Pahina sa Commons (WLF)

Ang Peminismo at Tradisyong-pambayan ay ang bersyong Tagalog ng Feminism and Folklore, isang internasyunal na patimpalak na inorganisa sa Wikipedia taon-taon sa mga buwan ng Pebrero at Marso upang idokumento ang kalinangang pambayan at kababaihan sa kuwentong-bayan sa iba't ibang mga rehiyon ng mundo sa Wikipedia. Ang proyektong Feminism and Folklore ay edisyong Wikipedia ng kampanyang potograpiya na Wiki Loves Folklore na inorganisa ng Wikimedia Commons upang idokumento ang mga tradisyong-pambayan sa buong mundo.

Pangalan ng proyekto

baguhin

Ang literal na salin ng Feminism and Folklore sa wikang Tagalog ay "Peminismo at Kwentong-bayan" o "Peminismo at Alamat." Nagpasya ang mga nag-organisa ng patimpalak na ito na ipangalan ang bersyong Tagalog bilang "Peminismo at Tradisyong-pambayan" dahil hindi limitado ang patimpalak sa mga ensilopedikong artikulo tungkol sa alamat at kwentong-bayan. Maaring mag-ambag ng mga artikulong may kinalaman sa buong kalinangan o tradisyong pambayan tulad ng sayawing pambayan, pistang pambayan, musikang pambayan, aktibidad na pambayan, larong pambayan, lutuing pambayan, kasuotang pambayan, kuwentong bibit, palabas pambayan, sining pambayan, relihiyong pambayan, mitolohiya atbp.

Mga edisyon sa Wikipediang Tagalog

baguhin

Ito ang mga link ng mga edisyon:

Parating at kasalukuyan
Nakaraan

Mga kasamang organisasyon

baguhin

Ang proyektong Feminism and Folklore ay isang proyekto na inorganisa ng Open Heritage Foundation. Pinasasalamatan ng mga nag-organisa ang mga tumangkilik na kasamang organisasyon ng proyekto: Wikimedia Foundation, Wikimedia Belgium, Wikimedia France, Wikimedia Deutschland, Wikimedia Foundation, at Le Sans Page para sa pagsuporta ng proyekto. Pinasasalamatan din nila ang kanilang mga sumuportang medyang organisasyon: Media Partners Scholastic, American Folklore Society, Archivalia Hypotheses (Germany), Wikiwand, Tribune India, Punjab Tribune, Ajit News, Dainik Bhaskar, Dainik Savera, Dainik Jagran, at Punjabi Jagran para sa kanilang suporta upang gawin ang kampanyang ito na makita ng publiko.

Tumutulong na mga kasamang organisasyon sa mga bansa

baguhin

Nasuportahan ang proyektong Wikipedia ng apilyado at kasamang organisasayon mula sa 11 bansa – Indya, Estados Unidos, Italya, Pransya, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, Pakistan, Pilipinas, Tunis, Ghana, at Geneva.