Wikipedia:Usbong
Dinodokumento ng pahinang ito ang isang gabay sa Wikipediang Tagalog. Tinatanggap ito bilang isang pangkalahatang pangkat ng mga pinakamainam na kasanayan na dapat sundin ng mga patnugot, bagaman, pinakamabuti na itrato ito na may sentido komun, at maaring ilapat ang paminsan-minsang eksepsyon. Kailangang sumalamin ang kahit anumang matibay na pagbabago sa pahinang ito ang isang konsenso. Kapag may duda, pag-usapan muna sa pahina ng usapan. |
Ang usbong (o stub) ay isang napakaikling artikulo, karaniwang isang talata lamang o mas maliit pa na nangangailangan ng atensiyon mula sa mga tagapag-ambag ng Wikipedia. Nilikha sila ngunit hindi pa sapat ang impormasyon upang maging isang totoong artikulong maituturing. Naniniwala ang komunidad na sa kung bibigyan lamang ng atensiyon ay makokompleto at magiging makabuluhan ang mga stub o usbong. Ito ang unang hakbang upang maging kompletong artikulo ang isang paksa o topic na makatutulong sa pagpapalawak ng nilalaman ng Wikipedia, ang Malayang Ensiklopedya.
Suleras
baguhin- {{Usbong}}, isang payak na suleras na ginagamit sa pagtatatak ng pahinang usbong pa lámang. Maaari itong maging kombinasyon para maging mas angkop sa pahina, lathalain, o paksa; katulad ng {{stub|Tao|Pilipinas|Kasaysayan}}. Sa kasalukuyan, hanggang tatlo lámang ang kombinasyong magagamit; maaari ding panatilihing isa o dalawa lámang kung nais.
Gabay sa paggamit
baguhinWalang paksa
baguhinAng {{stub}} (o {{usbong}}) ay isang pangkalahatang suleras na pang-usbong. Wala itong ibinibigay na parametro.
May paksa
baguhinAng {{stub|Pangalan ng Paksa}} ay isang suleras na pang-usbong na nilalagyan ng kung tungkol saan ang usbong sa mga parametro. Pinakamaraming maaaring ibigay ay tatlo. Ang nangyayari riyan ay kapag nilagay halimbawa na ang "Katagalugan", katulad ng {{stub|Katagalugan}}, kinukuha ng suleras ang larawang nakalagay sa Suleras:Stub/Katagalugan. Mangyayaring kailangang gawan ng subpahina (kabahaging pahina) sa Suleras:Stub ang bawat kaugnay na paksa. Para itong {{stub|Pilipinas|Katagalugan}} (o {{stub|Pilipinas|Katagalugan}}), kung saan kumukuha ang suleras ng mga larawan mula sa Suleras:Stub/Pilipinas at Suleras:Stub/Katagalugan.
Mga patakaran sa pagpapaksa
baguhin- Para sa mga bansa, gamiting larawan ang kanilang mga bandila.
- Hinggil sa paglalagay ng mga larawan sa kabahaging pahina, tinatanggal na ang unlaping katulad ng Larawan:, File:, o Image:. Mananatili lamang ang pinakapangalan ng larawan. Bílang dagdag paliwanag: kung gagawa ng subpahina para sa mga paksa, gumawa sa Suleras:Stub/pangalan ng paksa. Ilagay roon ang larawang papupuntahan. Pagbasehan ang Suleras:Stub/Pilipinas, at para sa kadalian, ang gagawinng subpahina ay dapat nagsisimula sa malaking titik Suleras:Stub/'''''P'''''elikula.
Mga umiiral na kabahaging pahina
baguhin- Upang maláman kung ano-ano na ang mga nagawang subpahina: puntahan ang http://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Special%3APrefixIndex&from=Stub%2F&namespace=10
- Para makakuha naman ng mga larawan, pumunta sa commons:Category:Icons by subject, kung saan nakaayos ang mga larawang sagisag o icon ayon sa paksa.