Wikipedia:Bandalismo

(Idinirekta mula sa Wikipedia:Vandalism)

Ang bandalismo ay ang pagdadagdag, pagbabago o pagtatanggal ng mga laman ng isang artikulo para masira ang integridad ng Wikipedia. Kasama dito ang paglalagay ng mga bastos na salita o nakakainsultong mga biro, pangbubura ng mga teksto, o paglalagay ng mga walang kabuluhang mga salita.

Ano mang mabuting contribusyon para mapaganda ang ensiklopedya ay hindi itinuturing na bandalismo, kahit na ito'y medyo hindi napagisipan o napagplanuhang mabuti. Kahit na ang hindi mabuting pagbabago sa artikulo, kung hindi naman ito sinasadya o hindi ito sadyang ginawa para manira, tulad ng pagdadagdag ng personal na opinyon tugkol sa isang paksa, ay hindi bandalismo - hindi nga lang ito nakakatulong, at kailangang tanggalin o baguhin. Hindi lahat ng bandalismo ay lantarang makikita, at hindi lahat ng malakihan o kontrobersiyal na pagbabago sa artikulo ay maituturing na bandalismo.

Ang paggawa ng bandalismo ay isang paglabag sa mga patakaran ng Wikipedia. Kung napagalaman mo na ang isang tagagamit ay naninira ng artikulo sa Wikipedia, ibalik ito kaagad sa dati at ipagbigay-alam sa tagagamit ang kanyang ginawa. Ang mga tagagamit na patuloy na naninira sa mga artikulo at iba pang mga pahina ng Wikipedia, kahit sila ay napagsabihan na, ay maaring ipagbigay-alam sa pamunuan ng Wikipedia, at maaring maharang ng mga tagapangasiwa.