Wikipedia:WikiGap Philippines 2020

Ang WikiGap Philippines 2020 ay isang community outreach ng PhilWiki Community mula Marso 1 hanggang Marso 31. May offline events na lalahokan ng kababaihan at mga myembro ng komunidad ng LGBTQ na gagawin sa Marso 8 at 21 sa Lungsod ng Naga. Isang buwan na WikiGap editing activities ang gagawin upang madagdagan ang mga artikulo tungkol sa kababaihan at mga paksa tungkol sa LGBTQ.

Ang kampanyang #WikiGap ay isang kolaborasyon sa pagitan ng Wikimedia affiliates at ng Swedish Ministry for Foreign Affairs, at iniimbitahan nito ang malawak at iba't ibang uri ng partisipasyon, at pinapahintulutan ang pagkopya sa lokal sa anuman na tema upang mapaliit ang gap o layo tungkol sa gender o iba pang puwang na may kinalaman sa dibersidad sa Wikipedia.

Ang WikiGap events ay mangyayari sa International Women's Day sa buwan ng Marso ngayong 2020 at sa loob ng buwan ng Marso sa iba't ibang syudad sa buong mundo sa pakikipagtulungan ng Swedish Embassy at mga lokal na apilyasyon ng Wikimedia. Alamin ang iba pang impormasyon ukol dito sa: https://meta.wikimedia.org/wiki/WikiGap.

WikiGap Challenge PH at International

baguhin

Sumali sa WikiGap Challenge PH (Marso 8 - 28) asin International (Marso 9 - Abril 8) upang manalo ng mga papremyo.

Para sa WikiGap Challenge PH, makakakuha ng Wikipedia merchandize at gift certificate ang sampung (10) kalahok na may pinakamataas na puntos, gayundin ang mapipiling pinakamagaling na kontribyutor sa mga partisipanteng babae (1), partisipanteng LGBTQ (1), partisipanteng estudyante (3). Gagawaran naman ng premyo an mapipiling pinakamahusay na ambag na ladawan (3).

Para naman sa WikiGap Challenge International, igagawad ng UN Human Rights Office ang unang gantimpala. Ang iba pang premyo ay igagawad ng Wikimedia Sverige.

  • 1st: Ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa ilang aktibidad ng UN Human Rights on the margins sa Hunyo 2020 ng UN Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
  • 2nd: Gift certificate na nagkakahalangang 1,000 Swedish crowns (sek) sa Wikipedia Store
  • 3rd: Gift certificate na nagkakahalagang 500 Swedish crowns sa Wikipedia Store
  • 4th-10th: lapis na Wikipedia, Wikipedia pin at Wikipedia decals.

Sistema ng Pagbigay ng Puntos

baguhin

Ikaw ang responsable sa pagbilang ng iyong puntos. Katulad nito:

+0.5 puntos para sa bawat larawan/litrato na maidaragdag sa isang artikulo sa Wikipedia sa ano man na lengwahe (kasali ang sadiring kontribusyon na imahe).
+1 punto para sa pagdagdag sa Wikidata na iyong ginawa o inedit.
+1 punto para sa bawat +1,000 bytes na naidagdag na content sa isang artikulo sa Wikipedia article sa ano man na lengwahe.
+1 punto para sa bawat bagong source/reference na maidaragdag sa isang umiiral nang artikulo sa Wikipedia sa ano man na lengwahe.
+1 punto para sa bawat bagong source/reference na maidaragdag sa isang umiiral nang Wikidata entry.
+5 puntos para sa bawat bagong translation ng isang artikulo ng Wikipedia sa ano man na lengwahe.
+25 puntos para sa bawat Good Article sa ano man na lengwahe na pipiliin ng Administrator ng Tagalog Wikipedia at WikiGap PH organizing team. (bcl:Wikipedia:Marhay na Artikulo para sa Bikol Wikipedia)
+50 puntos para sa Featured Article sa alin mang lengwahe. Pipili ang Administrator ng Tagalog Wikipedia at WikiGap PH organizing team ng isang artikulo bawat Sabado (Marso 14, 21 asin 28).

Susumahin ang mga makukuhang puntos ng bawat partisipante kung saan ang Top 10 sa WikiGap Challenge PH, Top Female, Top LGBTQ at Top 3 Student participants ang makakakua nin premyo!

WikiGapPH2020

An WikiGap PH organizing team ay ang may huling desisyon para sa tamang bilang ng mga puntos, at itatama an pagbilang kun kinakailangan sa tulong ng Administrator ng Tagalog Wikipedia. Alalahanin na ang layunin ng aktibdad na ito ay mapahusay ang Wikipedia na mataas ang kalidad ng mga artikulo, kung kaya ang ano man na content o laman na may mababang kalidad na naidagdag ay mawawalan ng puntos o pwedeng ma-ban sa contest, kung iyon ang desisyon ng organizing team.

Ang mga puntos ay magsisilbing pampagana lamang sa content. Kahit hindi ka lumahok sa Challenge upang manalo, gusto namin malaman ang iyong kontribusyon pakatapos ng aktibidad! Mahalaga ang iyong mga ambag dahil ang bawat edit ay nakatutulong upang mapahusay ang Wikipedia.


Halimbawa

baguhin
  • Kung nakadagdag ka ng 3,600 bytes sa isang umiiral nang artikulo, makakakuha ka ng 3 puntos.
  • Kung nakapag-translate ka ng isang artikulo sa Kapampangan Wikipedia at ito ay may 4,100 bytes, makakakuha ka ng 9 puntos: 5 puntos para sa pag-umpisa ng bagong artikulo at 4 puntos para sa 4,000 bytes na artikulo.
  • Kung nakapagdagdag ka ng 3,600 bytes na wikitext (templates, infoboxes, citations) sa isang umiiral nang artikulo, ikaw ay may 3 puntos.
  • Kung ikaw ang pangunahin o nakapag-ambag ng pinakamaraming content sa isang bagong Featured Article sa ano man na lengwahe, halimbawa ito ay may 153,000 bytes, ikaw ay may 153 puntos para sa bytes, at 100 puntos (dahil kami ay nagpapasalamat!) upang ito ay maging isang Featured Article.

Tingnan ang WikiGap Challenge PH 2019 upang magkaroon ka ng ideya.

Nakaraang mga Taon

baguhin

Kasaysayan

WikiGap 2019
WikiGap 2019
Noong Marso 2017, inorganisa para sa International Women's Day ang sister-editing sa apat na mga wika sa pagitan ng Swedish Embassy sa New Delhi at Stockholm. Ang mga embahada ng Sweden sa Pretoria at Washington DC ay sumunod rin at pinangunahan ang mga editing activities sa Wikipedia katuwang ang Wikimedia chapters sa dalawang bansang ito.
Mula noon, ang ministro nito ay gumawa ng isang tool kit kung paano makakapag-organisa ang mga embahada ng Wikipedia editing events, at sila ay pursigido na palitawin ang mga pagkilalang nakamtan ng kababaihan, sa pinakamalaking ensiklopedia sa buong mundo, sa pagkikipagtulungan ng Wikimedia affiliates at iba pang mga lokal na organisasyon.
Ang Wikipedia ay ang pinakamalaking online at kolaboratibong binubuong ensiklopedia sa buong mundo. Ang kaalaman ay isang kalakasan, at ang Wikipedia ay mayroong potensyal na kulayan ang isang pananaw sa mundo. Bagamat, may hindi balanse an kalalakihan at kababaihan sa Wikipedia, ganito rin sa lipunan sa pangkalahatan.
Nobenta porsyento (90%) ng mga taga-ambag ng kaalaman dito ay mga lalaki. Apat sa limang artikulo at tungkol sa kalalakihan kumpara sa kababaihan. Ang mga pigura ay magkakaiba sa bawat rehiyon, ngunit kahit saang banda ito titingnan, pareho ang makikitang mensahe: ang mga impormasyon tungkol sa kababaihan ay kakaunti lamang at hindi malalim ang pagtalakay, hindi tulad ng sa kalalakihan. Kahit saan mang edisyon ito ng Wikipedia. Nais natin itong baguhin.
Ang #WikiGap ay isang aktibidad kung saan ang mga partisipante sa buong mundo ay nagtitipontipon upang magdagdag ng kaalaman tungkol sa mga kilalang babae, eksperto, at mga modelo sa sari-saring kategorya. Kapareho ang aktibidad na ito sa aktibidad ng nasa 60 bansa sa buong mundo upang mapahusay ang representasyon ng kababaihan sa internet.
Tayong lahat, nais nating magkaroon ng pantay-pantay na internet para sa alin man gender – at para sa isang mundong mas pantay para sa lahat, lalaki o babae man.

WikiGap Philippines 2019

baguhin

Mga aktibidad ng PhilWiki Community na nilahokan ng kababaihan at mga myembro kan LGBTQ community

baguhin