Wilhelm Maximilian Wundt (16 Agosto 1832 – 31 Agosto 1920) ay isang doktor, pilosopo, at propesor na Aleman na kilala ngayon bilang isa sa mga mga importanteng tao sa pagtuklas ng makabagong sikolohiya. Si Wundt, ang taong kinilala ang sikolohiya bilang isang agham bukod sa biyolohiya at pilosopiya, ay siya ring unang taong ikinilala ang sarili bilang isang sikologo. Tinagurian siyang “ama ng sikolohiyang eksperimental”. Taong 1897 nang kanyang itinatag ang kauna unahang pormal na laboratoryo para sa pananaliksik na pangsikolohiya sa Pamantasan ng Leipzig. Dahil dito ay nagsimulang magkaroon ng pansariling larangan ng pag-aaral ang sikolohiya. Sa isang pagsusuri ng A Review of General Psychology na inilabas noong 2002, iniranko si Wundt bilang ika-93 na pinakanabanggit na sikologo ng ika-20 siglo, kasama nina Edwin Boring, John Dewey, at Amos Tversky.

Wilhelm Wundt
Wilhelm Wundt noong 1902
Kapanganakan
Wilhelm Maximilian Wundt

16 Agosto 1832(1832-08-16)
Neckarau malapit sa Mannheim, Grand Duchy ng Baden, Konpederasyong Aleman
Kamatayan31 Agosto 1920(1920-08-31) (edad 88)
Großbothen, Saxony, Alemanya
NasyonalidadAleman
NagtaposPamantasan ng Heidelberg
Kilala saSikolohiya, Boluntarismo
Karera sa agham
LaranganSikolohiyang eksperimental, Pisolohiya
InstitusyonPamantasan ng Leipzig
Doctoral advisorKarl Ewald Hasse[1]
Academic advisorsJohannes Peter Müller
Doctoral studentEdward B. Titchener, G. Stanley Hall, Oswald Külpe, Hugo Münsterberg, Vladimir Bekhterev, James McKeen Cattell, Lightner Witmer[2]
ImpluwensiyaGustav Fechner
NaimpluwensiyahanEmil Kraepelin

Sa pagtayo ng laboratoryong ito, nagawa niyang galugarin ang katangian ng mga relihiyosong paniniwala, kilalanin ang mga sakit sa kaisipan at abnormal na pag-uugali, at hanapin ang mga nasirang bahagi ng utak. Sa ganitong paraan, nagawa niyang itatag ang sikolohiya bilang hiwalay na agham sa ibang mga paksa. Binuo rin ni Wundt ang pinakaunang pahayagan para sa mga pananaliksik sa sikolohiya, ang Philosophische Studien, noong 1883.

Tinutukan ni Wundt ang tatlong bahagi ng mental functioning: ang kaisipan, imahen, at damdamin. Ang mga ito ay ang mga basehang pinag-aaralan ngayon sa kognitibong sikolohiya. Nangangahulugang ang pag-aaral ng perseptwal na mga proseso ay maaaring iugnay kay Wundt. Ang gawa niya ay nagsimula ng interes sa kognitibong sikolohiya.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Neurotree profile Wilhelm Wundt
  2. Wilhelm Wundt at William James. Webspace.ship.edu. Nakuha noong 29 Hunyo 2015.