William Grant Still
Si William Grant Still (11 Mayo 1895 - 3 Disyembre 1978) ay isang Aprikanong Amerikanong kompositor ng tugtuging klasiko na sumulat sa mahigit sa 150 mga komposisyon. Siya ang unang Aprikanong Amerikanong gumanap bilang konduktor sa isang pangunahing orkestra ng simponiya sa Amerika, ang unang magkaroon ng sarili niyang simponiya (ang una niyang simponiya) na isinagawa ng isang nangungunang orkestra, ang unang magkaroon ng isang operang isinakatuparan ng isang pangunahing kompanya ng opera, at ang unang magkaroon ng isang operang naipalabas sa telebisyon. Kalimitan siyang tinatawag bilang "ang dekano" (the dean) ng mga Aprikanong Amerikanong kompositor.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.