Si Frederick William Herschel,[1] KH, FRS (Aleman: Friedrich Wilhelm Herschel; 15 Nobyembre 1738 – 25 Agosto 1822) ay isang Britanikong ipinanganak sa Alemanya na naging astronomo, ekspertong teknikal, at kompositor. Ipinanganak sa Hanover, Alemanya, sinundan ni Herschel ang kaniyang ama sa pagsali sa Banda ng Militar ng Hanover, bago nandayuhan at nanirahan sa Britanya sa gulang na 19. Naging tanyag siya sa pagkakatuklas ng planetang Uranus kasama ang dalawang pangunahing buwan nito (ang Titania at ang Oberon), at pagkakatulas ng dalawang pang buwan ng Saturno. Siya ang unang tao na nakatuklas ng pag-iral ng radyasyong infrared. Nakikilala rin siya sa 24 simponiyang nilikha niya.

Si William Herschel.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Mga awtobiyograpiya ni Caroline Herschel (pinatnugutan ni M. Hoskin, 2003), pahina 13.

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Astronomiya at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.