William Leidesdorff

Si William Alexander Leidesdorff, Jr. (ipinanganak noong 23 Oktubre 1810 sa St.Croix, Kapuluang Birhen, namatay noong 18 Mayo 1848 sa San Francisco) ay isa sa pinakamaagang nanahang mamamayan ng Estados Unidos sa California. Ang kanyang amang kapangalan niya, na si Wilhelm Leidesdorff, ay nagmula sa isang pamayanang Hudyo na sakop ng mga Danes at malapit sa lungsod ng Hamburgo, at isang amang mangangalakal, tagapagbili ng asukal, at magsasaka. Ang kanya namang inang si Marie Anne Spark ay isang Aprikanang Amerikanang may halong dugong Kastila, na pinaniniwalang isinilang sa Kuba. Sa mga tala ng senso, itinuturing ang ina niyang si Marie Anne Spark bilang isang Indiyano ng Caribe. Si Leidesdorff, Jr. ay isa ring tagapanimulang mangangalakal at diplomata.

Sanggunian

baguhin
  • Naglalaman ang artikulong ito ng teksto mula sa 1901–1906 na Ensiklopedyang Hudyo, na nasa dominyong publiko na ngayon.
  • California Reports, 1854
  • Journal of the Senate of California, 1854: Soule, Annals of San Francisco
  • Hittell, History of California, vols. ii and iv
  • Sweasy, Early Days and Men of California
  • California State Legislature, ACR 131 (Cox), 2004.


    Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.