William S. Harley
Si William Sylvester Harley (Disyembre 29, 1880 – Setyembre 18, 1943) ay isang Amerikanong inhinyerong mekanikal at negosyante. Isa siya sa mga nagtatag ng Harley-Davidson Motor Company.[2]
William S. Harley | |
---|---|
Kapanganakan | William Sylvester Harley[1] Disyembre 29, 1880 |
Kamatayan | Setyembre 18 1943 (edad 62) |
Trabaho | inhinyerong mekanikal |
Aktibong taon | 1901–1943 |
Kilala sa | Tagapagtatag ng Harley-Davidson Motor Company |
Asawa | Anna Jachthuber[1] |
Magulang | William Harley Sr and Mary Smith |
Pirma | |
Buhay at karera
baguhinPinanganak si Harley noong 1880 kay William Harley Sr. at Mary Smith na nanggaling sa Littleport, Cambridgeshire, Inglatera at lumipat sa Estados Unidos noong 1860.[1][3][4]
Noong 1901 iginuhit ni Harley ang mga plano para sa makinang ikakabit sa isang ordinariyong bisikleta, at noong kinalaunan ay sinimulan niya itong buoin kasama ang kanyang kaibigang si Arthur Davidson, sa tulong ni Henry Melk, na isang makinista sa Milwaukee.
Kumuha si Harley ng kursong inhinyerong mekanikal sa University of Wisconsin–Madison noong 1907, at noong nag-aaral siya sa nasabing kolehiyo ay nanilbihan siya bilang serbidor sa bahay ng isang kapatiran ng mga lalaki (fraternity) at sa opisina ng arkitekto sa Madison, Wisconsin.[5] Itinatag ni Harley ang Harley-Davidson kasama si Arthur Davidson noong 1903 at nanilbihan bilang inhinyero at tagaingat-yaman hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1943.[6][7]
Personal na buhay
baguhinNagpakasal si Harley noong 1910 kay Anna Jachthuber, kung saan sila ay nagkaroon ng tatlong anak.[1] Nakilala din si Harley sa hilig niya sa pangangaso, pangingisda at golf, at sa pagguguhit at potograpiya.[8]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 D'Ambrosio, Brian. From Football to Fig Newtons: 76 American Inventors and The Inventions You Know By Heart. Lulu.com. pp. 107–. ISBN 9781105737725. Nakuha noong 15 Setyembre 2016.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "William Sylvester Harley". Find A Grave. Nakuha noong 2008-01-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jean Davidson - Harley-Davidson.
- ↑ Goulden, Glenda (2008), "2", Foul deeds and suspicious deaths in & around The Fens, Barnsley, Yorks: Wharncliffe Books, p. 35, ISBN 978-1-84563-072-0
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "2005 Annual Report: Engineering Professional Development". UW–Madison College of Engineering. 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2007-12-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William S. Harley sa Motorcycle Hall of Fame
- ↑ "Company history". Harley-Davidson Corp. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-09. Nakuha noong 2007-12-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AMA Motorcycle Museum Hall of Fame: William S. Harley". American Motorcyclist Association. Nakuha noong 15 Setyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)