William Westmoreland
Si William Childs Westmoreland (Marso 26, 1914 – Hulyo 18, 2005), na may palayaw na "Westy", ay isang heneral na may apat na bituin sa Hukbong Kati ng Estados Unidos. Siya ang komander ng lahat ng mga operasyong pangmilitar ng Estados Unidos noong nagaganap ang Digmaan sa Biyetnam[1] mula 1964 hanggang 1968, kabilang na ang Opensibang Tet noong 1968. Ginamit ni Westmoreland ang isang estratehiya ng atrisyon laban sa Viet Cong at sa Hukbong Kati ng Hilagang Biyetnam. Siya ang nagpasimula ng mga misyong "hanapin at wasakin" o search-and-destroy sa Ingles.[1] Naglingkod siya bilang puno ng mga kawani ng Hukbong Kati ng Estados Unidos mula 1968 hanggang 1972.
William Westmoreland | |
---|---|
Kapanganakan | 26 Marso 1914
|
Kamatayan | 18 Hulyo 2005
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Nagtapos | Harvard University |
Trabaho | politiko |