Ang Windows NT ay isang pamilya ng mga operating system na ginawa ng Microsoft, nilabas ang unang bersyon noong Hulyo 1993. Orihinal na binalangkas ito bilang isang makapangyarihang nakabatay sa mataas na antas na wikang pamprograma, hindi umaasa sa prosesor, maramihang proseso, maramihang tagagamit na operating system na may katangiang maihahalintulad sa Unix. Hangad ng Microsoft na makabuo ng bersyon ng Windows na hindi umaasa sa MS-DOS; noong una ay para lamang sa mga serbidor at kumpanya ang NT samantalang naka-depende sa DOS ang mga bersyon ng Windows para sa ordinaryong tagagamit, ngunit simula noong inilabas ang Windows XP ay naging batayan na ang NT para sa mga susunod na bersyon ng Windows. Ang NT ang unang bersyong buong 32-bit ng Windows, habang ibang katulad na mga produkto, ang Windows 3.1x at Windows 9x, ay mga 16-bit/32-bit hybrid. Nakabatay ang Windows 2000, Windows XP, Windows Server 2003, Windows Vista, Windows Server 2008 (beta), at Windows Home Server sa sistemang Windows NT, bagaman hindi sila nakatatak bilang Windows NT.

Windows NT
GumawaMicrosoft
Estado ng pagganaKasalukuyan
Modelo ng pinaggalinganSaradong pinagmulan / Binabahaging pinagmulan
Uri ng kernelHybrid kernel
User interfaceGraphical user interface
LisensiyaMicrosoft EULA
Opisyal na websitewindows.com


Kompyuter Ang lathalaing ito na tungkol sa Kompyuter ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.