Ngipin ng karunungan

(Idinirekta mula sa Wisdom tooth)

Ang isang bagang-bait o ngipin ng karunungan (Ingles: wisdom tooth) sa mga tao ang anuman sa karaniwang apat na ikatlong molar. Ang mga ngipin ng karunungan ay lumilitaw sa pagitan ng edad na 16 at 25. Ang karamihan ng mga matatandang tao ay may apat na mga ngipin ng karunungan ngunit posibleng may mas kaunti o higit pa na sa kasong ito, ang mga karagdagan ay tinatawag na mga ngiping supernumeraryo. Ang ngipin ng karunungan ay karaniwang umaapekto sa ngipin habang umuunlad ito at karaniwang binubunot kapag nangyari ito. Ang mga ngipin ng karunungan ay ang mga bestihiyal na ikatlong molar na tumulong sa mga ninuno ng tao sa paggiling ng tisyu ng halaman. Pinaniniwalaang ang mga bungo ng mga ninuno ng tao ay may mas malalaking mga panga na may mas maraming mga ngipin. Sa pagbabago ng diyeta ng tao, ang mas maliliit na mga panga ng tao ay nag-ebolb ngunit ang mga ngipin ng karunungan ay umuunlad pa rin sa mga tao ngunit wala nang silbi.[1]

Larawang gawa ng x-ray: ang mga ngipin ng karunungan na nasa dulo ng mga hilera ng ngipin.
Bagong bunot na mga ngipin ng karunungan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Johnson, Dr. George B. "Evidence for Evolution". (pahina 12) Txtwriter Inc., 8 Hunyo 2006.[mula sa sariling paglalathala?]

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.