Woke
Ang woke (Tagalog: Gising) ay isang pang-uring Ingles na nagmula sa African-American Vernacular English (AAVE, lit. na 'Ingles na Aprikano-Amerikanong Bernakulo') na orihinal na nangangahulugang pagiging alerto sa pagkiling sa lahi at diskriminasyon.[1] Simula noong dekada 2010, ginamit ito bilang salitang balbal para sa isang mas malawak na kamalayan ng mga di-pagkapantay-pantay sa lipunan tulad ng kawalang-katarungan sa lahi, seksismo, at pagtanggi ng mga karapatan ng LGBT. Ginamit din ang salitang woke bilang madaling pambansag para sa mga ideya ng American Left o Makakaliwang Amerikano na pinapalooban ng pulitkang identidad at katarungang panlipunan, tulad ng pribilehiyong puti at pagbabayad-puri para sa pang-aalipin sa Estados Unidos.[2][3][4]
Ang salitang stay awake (Tagalog: manatiling gising) ay nasa AAVE mula pa noong dekada 1930. Sa ilang konteksto, tumutukoy ito sa isang kamalayan ng mga isyu sa lipunan at pampulitika na nakakaapekto sa mga Aprikano-Amerikano. Sinulat ang parirala sa mga rekording mula sa kalagitnaan ng ika-20 siglo ni Lead Belly at, pagkatapos ng milenyo, ni Erykah Badu.
Ang salitang woke ay nakakuha ng higit pang popularidad noong dekada 2010. Sa paglipas ng panahon, naging lalong nauugnay ito sa mga bagay sa labas ng lahi tulad ng kasarian at mga pagkakakilanlan na tinanggap bilang marginalisado o nasa laylayan. Sa panahon ng Mga protesta sa Ferguson noong 2014, ang salitang ito ay pinopular ng mga aktibista ng Black Lives Matter (BLM, lit. na 'Mahalaga ang Buhay ng Itim') na naghahanap upang mapalaki ang kamalayan tungkol sa mga pagbaril ng pulisya sa mga Aprikano-Amerikano. Matapos ginamit ang katawagan sa Black Twitter, lalong ginagamit ang woke ng mga puti, na madalas na ginagamit ito upang ihudyat ang kanilang suporta sa BLM; pinuna ng ilang komentarista ang paggamit na ito bilang pag-aangkop sa kalinangan. Ang salitang ito ay naging kilala sa mga milenyal at miyembro ng Henerasyong Z. Habang pandaigdigang lumaganap ang paggamit, ang woke ay idinagdag sa Oxford English Dictionary noong 2017.
Noong 2019, ang katagang ito ay ginagamit nang patuya bilang isang pag-aalinlangan sa gitna ng maraming nasa kanan na pampulitika at ilang mga sentrista sa mga bansa sa Kanluran na naglalayong himukin ang iba't ibang mga kaliwa at progresibong kilusan. Kasunod nito, lumitaw ang mga termino tulad ng woke-washing at woke capitalism upang punahin ang mga organisasyong nag-aanunsyo ng kanilang pangako sa katarungang panlipunan para sa pinansyal na pakinabang, na tinutukoy din bilang "performative activism" (aktibisomg perpormatibo).
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Calcutt, Clea (19 Oktubre 2021). "French education minister's anti-woke mission". Politico. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2023. Nakuha noong 2022-11-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morgan, Marcyliena (2020). "'We Don't Play': Black Women's Linguistic Authority Across Race, Class, and Gender". Sa Alim, H. Samy; Reyes, Angela; Kroskrity, Paul V. (mga pat.). The Oxford Handbook of Language and Race (sa wikang Ingles). Oxford University Press. pp. 276–277. doi:10.1093/oxfordhb/9780190845995.013.13. ISBN 978-0-19-084599-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romano, Aja (9 Oktubre 2020). "A history of 'wokeness'". Vox (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 21, 2020. Nakuha noong 2 Marso 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mirzaei, Abas (Setyembre 8, 2019). "Where 'woke' came from and why marketers should think twice before jumping on the social activism bandwagon". The Conversation (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 20, 2023. Nakuha noong Abril 8, 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)