Wong Kar-wai
Si Wong Kar-wai ay isang batikang direktor na nagmula pang Hong Kong na mas kinikilala bilang isang film auteur dahil sa istilong makikita sa kanyang mga pelikula. Si Wong ay pangatlo sa listahan ng Sight and Sound Top Ten Directors ng makabagong panahon.
Nagsimula ang karir ni Wong Kar-wai bilang isang script writer at commercial director, at ito ay nabago ng siya ay nagkaroon ng pagkakataon mag-direk ng isang full length feature na pinamagatang As Tears Go By (1988) sa tulong na rin ng produsyer na si Alan Tang. Ito ay bumenta sa takilya, at dito rin unang maaninag ang istilo ni Wong na siyang naglagay sa kanya ngayon sa posisyon niya bilang isang auteur sa larangan ng pelikula. Sinundan ito ng Days of Being Wild (1990), isang pelikula ni Wong Kar-wai na ginawa at shinoot sa Pilipinas, subalit kumpara sa kung paano bumenta ang As Tears Go By sa tao, ang Days of Being Wild ay medyo naging problemado.
Umalis si Wong Kar-wai mula sa studio system at nagsimula ito gumawa ng mga pelikula independiyente. Isa na rito ang epikong Ashes of Time (1994) na mahigit kumulang na sampung taon din ang kanyang ginugol para magawa. Sa pagitan nito, gumawa siya ng pelikulang pinamagatang Chungking Express (1994) na siyang nagpakilala sa kanya sa mundo. Nagustuhan ni direktor Quentin Tarantino ang naturing pelikula na siyang nagendorso kay Wong sa Amerika at sa iba't ibang bansa gamit ang impluwensyang meron si Tarantino sa media.
Sunod na ginawa ni Wong Kar-wai ang pelikulang Fallen Angels (1995) na sinasabi ng marami na parang karugtong o sequel ng Chungking. Sinundan pa ito ng isang pelikulang LGBT na pinamagatang Happy Together (1997) dahil sa impluwensya ng isang kaibigan ni Wong na di umano ay bakla.
Ang kanyang pelikulang In the Mood For Love (2000) ay sinasabi ng marami na pinakamagandang gawa ni Wong Kar-wai, at isa sa pinakamagandang pelikula na biswal.