Xenophanes
Si Xenophanes ng Colophon ( /zəˈnɒfəniːz/;[1][2] Sinaunang Griyego: Ξενοφάνης ὁ Κολοφώνιος [ksenopʰánɛːs ho kolopʰɔ̌ːnios]; c. 570 BCE – c. 478 BCE) ay isang Sinaunang pilopong Griyego, teologo, manunula at kritiko ni Homer. Siya ay mula sa Ionia na naglakbay sa buong daigdig na nagsasalita ng Griyego sa Klasikong Antigidad. Bilang manunula, si Xenophanes ay kilala sa kanyang istilong kritikal na itinuturing na isa sa mga unang satire. Sumulat rin siya ng mga couplet na elehiako na bumabatikos sa mga tradisyonal na pagpapahalaga ng lipunan sa kayamanan, kalabisan at mga pagwawagi sa palakasan. Isa rin siyang kritiko ni Homer at ibang mga manunula dahil sa paniniwala nilang ang mga Diyos ay mangmang o may mahinang moralidad. Isa siya sa pinakamahalagang mga pilosopong pre-Sokratiko. Isang intelektuwal, sinikap niyang hanapin ang paliwanag sa mga pisikal na phenomena gaya ng mga ula o mga bahaghari na hindi humihimok sa mga paliwanag na diyos o mitolohikal at sa halip ay batay sa arche. Kanya ring itinangi ang mga iba't ibang anyo ng kaalaman at paniniwala bilang isang maagang tagapagtaguyod ng epistemolohiya.
Ipinanganak | c. 570 BCE Colophon, Ionia |
---|---|
Namatay | c. 478 BCE (edad c. 92) Syracuse, Sicily |
Panahon | Pre-Socratic philosophy |
Rehiyon | Western philosophy |
Mga pangunahing interes | Kritisismong panlipunan Kataphasis Natural na pilosopiya Epistemolohiya |
Mga kilalang ideya | Mga pananaw ng relihiyong politeistiko bilang mga proheksiyon sikolohikal ng mga tao. Arche ng tubig at mndo Ang tunay na paniniwala at pagtatangi ng kaalaman |
Naimpluwensiyahan ni
| |
Nakaimpluwensiya kay
|
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Xenophanes" entry in Collins English Dictionary.
- ↑ "Sound file". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-02-16. Nakuha noong 2022-05-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)