Si Xerex Xaviera ay isang hindi nagpapakilalang kolumnista na nilikha ng 5 kabataang lalaki[1] sa pahayagang Abante na sumusulat ng isang kolum sa nasabing pahayagan na para sa mga may edad lamang na unang nagsimula bilang isang sex advice column noong Hulyo, 1988.[2][3] Mula sa isang kolum na nagpapayo tungkol sa sex,[4] ito ay umunlad sa isang pampanitikang kolum tungkol sa mga sekswal na pagsasamantala at mga karanasan ng mga nagpadala ng liham at isang plataporma para sa mga sekswal na pantasya ng mga mambabasa nito.[5]

Pangkalahatang-ideya

baguhin

Ang pahayagan na Abante ay nagpapatakbo ng isang kolum na isinulat ng isang hindi nagpapakilalang si Xerex Xaviera noong 1988 para sa mga payo sa sex sa mga nagpadala ng liham.[6] Sa kalaunan ay umunlad ito at naging isang kolum tungkol sa mga pagsasamantala sa sex at mga karanasan ng mga ipinapalagay na nagpadala ng liham. Ang kolum ay sinasabing Pilipinong katapat ng aklat ni Xaviera Hollander na Happy Hooker .[7] Ang pahayagan ay nakakuha ng katanyagan dahil maraming mga may edad ang mas bumibili ng pahayagan dahil sa mga kuwento mula sa kolum ni Xerex Xaviera.[8][9]

Noong 2004, itinigil ng pahayagan ang paglalathala ng kolum nang lumipat ito sa isang pahayagang pampamilya.

Pinagmulan ng pangalan

baguhin

Ang pangalang Xerex Xaviera ay likha ng limang kabataang lalaki. Isa sa kanila ay mahilig magbasa ng Playboy magazine at Penthouse magazine at si Xaviera Hollander ay isang manunulat na hinangaan nila. Dahil gusto nilang gumawa ng Pilipinong bersyon ni Xaviera Hollander. Habang iniisip kung paano sila gagawa ng pangalang Pilipino para kay Xaviera Hollander, isa sa kanila ang nag-propose na gawin na lang ang xerox copy ng pangalan ni Hollander. Mula sa salitang xerox nilikha nila ang pangalang Xerex, at sa gayon ay nalikha ang pangalang Xerex Xaviera.[10]

Xerex na pelikula

baguhin

Noong 30 Abril 2003,[11] ang Regal Films ay naglabas ng trilogy movie ng nasabing adult tabloid column na nagtatampok kay Aubrey Miles, Ynez Veneracion, Jon Hall, Kalani Ferreria at Jake Roxas. Ang pelikula ay idinirek ni Mel Chionglo.[12][13] Binubuo ang pelikula ng tatlong yugto: "Kama" na tungkol sa paggalugad ng isang teenager na babae sa sexuality, "O" na tungkol sa mga karanasang sekswal ng isang babeng ikakasal sa isang beach lifeguard at "Butas" na tungkol sa pamboboso sa isang butas sa dingding. [11]

Na-promote ang pelikula sa pamamagitan ng photo exhibit sa SM Megamall . Gayunpaman, itinuring ng Lupon ng Pagsusuri at Pag-uuri ng Pelikula at Telebisyon ang mga larawan na "masyadong sexy at nagpapahiwatig" at iniutos ang pag-alis sa mga ito.[14]


Mga sanggunian

baguhin

 

  1. Castillo, Ronellie C. "Junep Ocampo : Philippine Journalism Oral History". oralhistory.4mg.com. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. LALIN, JUN (6 Mayo 2018). "Xerex Xaviera kinabaliwan noon, pinananabikan ngayon | Abante TNT Breaking News". Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Vanzi, Sol Jose. "ABANTE'S XEREX XAVIERA SOON ONSCREEN". newsflash.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2021. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Coronel, Sheila S. (1999). From Loren to Marimar: The Philippine Media in the 1990s (sa wikang Ingles). Philippine Center for Investigative Journalism. ISBN 978-971-8686-24-9. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. I: The Investigative Reporting Magazine (sa wikang Ingles). Philippine Center for Investigative Journalism,. 1995. p. 19. Nakuha noong 17 Disyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Philippine Journalism Review: PJR (sa wikang Ingles). Center for Media Freedom and Responsibility. 1990. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "AUBREY TITILLATES AS XEREX XAVIERA". newsflash.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 Pebrero 2020. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Rosales Casocot, Ian. "A short history of sex in Philippine literature". cnn (sa wikang Ingles). Blg. April 26, 2017. CNN Philippines. CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2021. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Xerex Xaviera kinabaliwan noon, pinananabikan ngayon | Abante TNT Breaking News". 6 Mayo 2018. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Junep Ocampo : Philippine Journalism Oral History". oralhistory.4mg.com. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 "Xerex". Regal Home Entertainment. Nakuha noong 17 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Lo, Ricky. "Aubrey au naturel". Philstar.com. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "ABANTE'S XEREX XAVIERA SOON ONSCREEN". newsflash.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2021. Nakuha noong 16 Disyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Cruz, Marinel R. (30 Abril 2003). "Aubrey exhibit pulled out: Photos too "sexy, suggestive," says MTRCB". Google News Archive Search. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 17 Disyembre 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)