Yakov Smirnoff
Si Yakov Smirnoff (ipinanganak Enero 24, 1951) ay isang komedyanteng Amerikano ipinanganak sa Rusya.
Ipinanganak si Smirnoff bilang Jakov Naumovič Pohis (Siriliko: Яаков Наумович Похис) sa isang pamilyang Hudiyo sa Odesa, Ukraine, na dating bahagi ng Unyong Sobyet. Isa syang guro sa sining sa Odesa, ang patuloy na nagpipinta. Pumunta sya sa Estados Unidos noong 1977 at naging isang mamamayang Amerikano noong Hulyo 4, 1986.
"In Soviet Russia"
baguhinAng mga birong "In Soviet Russia", na madalas lumalabas sa mga online na komunidad partikular na sa Slashdot, ang pamana ni Smirnoff. Ang heneral na anyo ng birong Soviet Russia ay na ang paksa at layon ng pangungusap ay ibinaliktad. Isang modernong halimbawa:
- How do you feel about tabbed browsing?
- In Soviet Russia, web browsers keep tabs on you!
O isang halimbawang apolitiko:
- In America, you can catch a cold.
- In Soviet Russia, cold catches you!
Lingks palabas
baguhin- The Soviet Slogan Generator Naka-arkibo 2010-08-12 sa Wayback Machine., elektronikong tagalikha ng mga slogang “In Soviet Russia”
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.