Ang MUH~ ay isang idol pop girl group mula sa Japan na may titolong "idol cosplay unit". Ang pangalan ng grupo na MUH~ ay kinuha mula sa mga pangalan ng mga miyembro (Mori-Usami-Harada). Nagtanghal ang grupong ito ng apat na taon, mula 2003 hanggang 2007.

Miyembro ng bandang MUH. (Mula sa kaliwa)Akie Harada(dilaw), Mori Yurika(pink), at Usami Nana(asul)
Opisyal na anime version ng grupo
genki attire ng MUH~
maid attire ng MUH~
pajama attire ng MUH~
isa pang pajama attire ng MUH~

Sa pangunguna ng kanilang leader na si Mori Yurika, ang idol cosplay unit na ito ay nagtanghal sa buong Japan sa pagkanta ng mga sikat na anime theme songs, at ng sarili nilang gawang kanta. Bilang isang cosplay unit, nagtanghal ang grupo suot ang iba-ibang cosplay attires tulad ng mga maid costumes, pajama, school uniform, pangsuot na casual,at iba pa. Pinakamadalas makita ang grupo na nagtatanghal live sa mga live houses sa Shibuya, at pati na rin sa Akihabara.

Nagkaroon ng dalawang album ang grupo, Maamaamaa(まぁまぁまぁ) noong 2003 at Vitamin MUH~(ビタミン☆MUH~) naman noong 2005. Nagkaroon din ng dalawang DVD ang grupo, MUH~ Zoku (MUH~★ぞくっ) noong 2005, saka MUH~Thank You naman noong 2007. Bukod sa album at mga DVD, nagkaroon ng mga binentang kalendaryo, picture books, at mga posters ang grupo. Naging aktibo rin ang grupo sa mga broadband channel na mga palabas, mga programa sa radyo, mga commercial sa telebisyon, nga artikulo sa mga magazine, atbp.

Bukod sa mga aktibidades ng grupo, ang bawat isang miyembro ay may kanya-kanyang kareer sa labas ng grupo. May mga solo na DVD, sariling picture book, paglabas sa mga commercial, sa mga drama, at pati na rin sa mga pelikula.

Noong ika-9 ng Hunyo 2007, ipinahayag ng grupo ang kanilang opisyal na pagtiwalag noong ika-7 ng Hulyo 2007. Ito ay naipatibay sa kanilang opisyal na website noong ika-11 ng Hunyo 2007.

History

baguhin

Ang mga miyembro ay napili sa pamamagitan ng kanilang pagkapanalo sa palabas sa telebisyon na 秋葉な連中 (Akiba na Renchuu). Sila ang kumanta ng anime song cover ng palabas na 秋葉☆リムジン (Akiba Limousine), kung saan sila ay opisyal na binansagang idol cosplay unit.

Mga Miyembro

baguhin

Harada Akie

baguhin
  • Profile
    • Pangalan: Harada Akie (原田明絵)
    • Palantandaang Kulay: Dilaw
    • Palayaw: Akie, Akichan (明絵・あきちゃん)
    • Kaarawan: Enero 22, 1987
    • Ipinanganak sa: Saitama (埼玉県)
    • Tangkad: 148 cm  (4' 9")
    • Statistics: B82cm/W60cm/H81cm
    • Dugo: B
    • Zodiac Sign: Aquarius
    • Hobbies: Karaoke, Shopping, Computers, at certified 1st class ang kanyang kakayahan sa pagsakay sa kabayo
    • Kasalukuyang nakatira sa Hawaii
  • Kareer sa labas ng grupo
    • yellow☆magic - DVD
    • 明絵にタッチ! (Akie ni Tacchi!) - DVD
    • 初恋センチメンタル (Hatsukoi Senchimentaru) - Picture Book
    • Tinuloy ang pagiging idol sa bagong pangalan na Aiba Hina (愛羽ひな) ng grupong Diamond Doll
    • Habang miyembro pa ng Diamond Doll, siya rin ay sumali sa idol group na Happy! Style noong Mayo 6 taong 2008 gamit ang pangalang Aoi Sasamine (笹峰 葵).
    • Umalis sa grupong Happy! Style noong Agusto ng taong 2008.
    • Ibinalik ang dalang pangalan mula sa Aiba Hina sa pagiging Harada Akie muli noong 27 Setyembre 2009.
    • Nag debut bilang isang AV idol sa ilalim ng label na Muteki noong Nobyembre 2010.
    • Naging miyembro ng Ebisu Muscats noong 2011.
    • Lumipat ng agency mula Muteki papuntang Idea Pocket nung Pebrero 2011, at papunta namang SOD Create noong Abril 2012.
    • Ipinahayag sa kanyang blog ang kanyang pag-alis mula sa industriya ng AV noong Nobyembre 21 taong 2012.
    • Ipinahayag sa kanyang blog noong 13 Abril 2015 na siya at ang kanyang boyfriend na Amerikano ay engaged na noong 10 Abril 2015.
    • Isinilang ang kanyang panganay na sanggol (lalake) noong 23 Oktubre 2016.
    • Isinilang naman ang kanyang pangalawang anak (lalake) noong 26 Hunyo 2021.

Mori Yurika

baguhin
  • Profile
    • Pangalan: Mori Yurika (森由理香)
    • Palantandaang Kulay: Pink
    • Palayaw: Mori-chan(森ちゃん)
    • Kaarawan: Enero 23, 1984
    • Ipinanganak sa: Tokyo (東京)
    • Tangkad: 151 cm (4' 11.5")
    • Statistics: B84/W58/H84
    • Dugo: A
    • Zodiac sign: Aquarius
    • Hobbies: Volleyball
  • Kareer sa labas ng grupo
    • Pink オルゴール (Pink Orgel) - DVD
    • ストロベリー・メール (Strawberry Mail) - picture book
    • Kasama ni Akie, nagtayo ng idol group na tinawag na Diamond Doll gamit ang alyas na Yurika (優璃香)

Usami Nana

baguhin
  • Profile
    • Pangalan: Usami Nana (宇佐美なな)
    • Palantandaang Kulay: Asul
    • Palayaw: Nanappe (ななっぺ)
    • Kaarawan: Oktubre 23, 1985
    • Ipinanganak sa: Chiba (千葉)
    • Tangkad: 152 cm (~5')
    • Statistics: B83/W59/H84
    • Dugo: O
    • Zodiac Sign: Libra
    • Hobbies: Paggawa ng mga minatamis, exploration, tennis, at basketball
  • Kareer sa labas ng grupo
    • na-tural blue・・・ - DVD
    • 隙魔 (Sakima) - Movie
    • こちら本池上署 (Kochira Honikegamisho) - Drama
    • ケータイ刑事 銭形海 (Keitai Deka Zenigatakai) - Drama

Discography

baguhin

Mga Album

baguhin

Sa loob ng apat na taon, nakapaglabas ng dalawang album ang grupo. Panay mga anime na kanta lamang ang laman ng unang album, at nagkaroon naman sila ng limang original na kanta sa pangalawang album nila.

まぁまぁまぁ(MaaMaaMaa)

baguhin
 
Cover of まぁまぁまぁ

Inilabas noong Agusto 20, 2003 ng Aniplex Label, Sony Music Distributions Japan

Mga Kanta Sa Album Na MaaMaaMaa:

  1. タッチ「タッチ
  2. 残酷な天使のテーゼ「新世紀エヴァンゲリオン
  3. キャンディ・キャンディ「キャンディ・キャンディ」
  4. 風の谷のナウシカ「風の谷のナウシカ[M]
  5. デリケートに好きして「魔法の天使クリィミーマミ[H]
  6. ムーンライト伝説「美少女戦士セーラームーン[U]
  7. はじめてのチュウ「キテレツ大百科
  8. キューティーハニー「キューティーハニー
  9. となりのトトロ「となりのトトロ
  10. めざせポケモンマスター「ポケットモンスター
  11. 勇気の神様「ときめきメモリアル2
  12. ハム太郎とっとこうた「とっとこハム太郎」

rōmaji na pagbasa:

  1. Touch 「Touch
  2. Zankoku na Tenshi no Te-ze 「Neon-Genesis Evangelion
  3. Candy Candy 「Candy Candy」
  4. Kaze no Tani no Nausicaa 「Nausica of the Valley of the Wind[M]
  5. Delike-to ni Sukishite 「Magical Angel Creamy Mami[H]
  6. Moonlight Densetsu 「Pretty Guardian Sailor Moon[U]
  7. Hajimete no Chuu 「Kiteretsu Daihyakka
  8. Cutie Honey 「Cutie Honey
  9. Tonari no Totoro 「Tonari no Totoro
  10. Mezase Pokemon Master 「Pokemon
  11. Yuuki no Kamisama 「Tokimeki Memorial
  12. Hamtaro Tottoko Uta 「Tottoko Hamtaro」

ビタミン☆MUH (Vitamin MUH)

baguhin
 
Cover of ビタミン☆MUH

Inilabas noong 2 Nobyembre 2005 ng Aniplex Label, Sony Music Distributions Japan

Mga Kanta Sa Album Na Vitamin MUH~:

  1. Vitamin MUH~
  2. タッチ「タッチ
  3. おなじ空の下
  4. 象さんのすきゃんてぃ「ハイスクール!奇面組
  5. うれしい予感「ちびまる子ちゃん[U]
  6. お嫁さんになってあげないゾ「キテレツ大百科[H]
  7. branco
  8. 想い出がいっぱい「みゆき」
  9. お世話します!「花右京メイド隊」
  10. I do!
  11. Arrival
  12. ラムのラブソング「うる星やつら
  13. 愛・おぼえていますか「超時空要塞マクロス[M]
  14. ゲキテイ(檄!帝国華撃団)「サクラ大戦

rōmaji na pagbasa:

  1. Vitamin MUH~
  2. Touch 「Touch
  3. Onaji Sora no Shita
  4. Zō-san no Scanty 「Highschool! Kimen-gumi
  5. Ureshii Yokan 「Chibi Maruko-chan[U]
  6. Oyomesan ni Natte Agenaizo 「Kiteretsu Daihyakka[H]
  7. Branco
  8. Omoide ga Ippai 「Miyuki」
  9. Osewashimasu 「Hana Ukyo Maid Team」
  10. I do!
  11. Arrival
  12. Lamu no Love Song 「Urusei Yatsura
  13. Ai Oboete Imasuka 「Macross[M]
  14. Gekitei (Geki! Teikoku Kagekidan)「Sakura Wars

[M] - solong kinanta ni Mori Yurika
[U] - solong kinanta ni Usami Nana
[H] - solong kinanta ni Harada Akie

Mga DVD

baguhin
 
Unang DVD ng banda

MUH~★ぞくっ (Unang DVD)

baguhin
  • Inilabas noong Nobyembre 2, 2005 ng Aqua House
  • Photo and Produced by: Shin Yamagishi
  • Presyo: 3,990 yen
  • Haba ng palabas: 40 minuto

MUH~Thank You (Pangalawang DVD)

baguhin
 
Pangalawang DVD ng banda
  • Inilabas noong Abril 15, 2007 ng Shaten
  • Presyo: 3,990 yen
  • Haba ng palabas: 50 minuto

Mga Kantang Itinanghal Sa Mga Live Na Palabas Lamang:

baguhin
  1. ハートビート - (Heartbeat)
  2. ハッピーマテリアル - (Happy Material)

Iba Pang Mga Binebenta

baguhin
  1. MUH~ Juice.
    • Mabibili sa GAMERS store sa Akihabara noong 14 Setyembre 2006 sa halagang 200 yen bawat isa. (Naubos agad lahat sa loob ng ilang araw lamang.)

References/External Links

baguhin