Si Yuki Matsumura (松村 雄基, Matsumura Yūki, ipinanganak 7 Nobyembre 1963) ay isang artista sa bansang Hapon. Ipinanganak siya mula sa Tokyo. Ang kanyang tunay na pangalan ay Noriyuki Matsumura (松村 憲幸, Matsumura Noriyuki). Siya ay lumitaw sa siyam na tampok na pelikula, pati na rin ang isang bilang ng mga seryeng telebisyon at mga produksyon ng teatro. Siya ay isang mang-aawit at naglabas ng walong album at walong single.

Yuki Matsumura
松村 雄基
Kapanganakan
Noriyuki Matsumura

(1963-11-07) 7 Nobyembre 1963 (edad 61)
Bunkyō, Tokyo, Hapon
TrabahoArtista
Aktibong taon1980–
Tangkad178 cm (5 tal 10 pul)
Telebisyon

Talambuhay

baguhin

Ipinanganak si Yu-ki Matsumura sa Bunkyō, Tokyo. Habang nag-aaral siya sa Tokyo Metropolitan Itabashi High School, una siyang lumabas bilang artista bilang si Shigetoshi Okita sa dramang pantelebisyon na Seito Shokun!. Lumabas din siya sa seryeng pantelebisyon na Shōjo ga Otona ni naru Toki Sono Hosoki Michi noong 1984.[1] Regular din siyang lumabas sa iba pang palabas sa telebisyon tulad ng Furyō Shōjo to Yobarete at School Wars,[2][3] at noong dekada 1980, siya ay naging regular na artista ng mga dramang Daiei. Lumabas din siya sa Ponytail wa Furimukanai[2], Furyō Shōjo to Yobarete,Chishimai, at Hanayomeishō wa Dare ga Kiru.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 'School Wars' o Tsukutta Otoko (sa wikang Hapones). p. 110.
  2. 2.0 2.1 "松村雄基、大映ドラマ出演時に暴走族の車に囲まれる". Shūkan Josei Prime (sa wikang Hapones). 11 Abril 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-04-12. Nakuha noong 10 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "俳優・松村雄基 大映ドラマ全盛期から20年間も介護を続けていた!". dot. (sa wikang Hapones). 30 Hunyo 2014. p. 1. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-10-19. Nakuha noong 10 Abril 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.