Zara Alvarez
Si Zara Alvarez (1981 – 17 Agosto 2020) ay isang Negrenseng Pilipinong tagapagtaguyod ng karapatang pantao, edukador, paralegal, at kilalang aktibista na nangampanya laban sa mga paglabag sa karapatang pantao na noong administrasyon ni Rodrigo Duterte. Kilala siya sa kaniyang aktibong kampanya sa pagprotekta sa mga Karapatang pantao sa Pilipinas na naging isang bagay na kabaha-bahala sa panahon ng Pagkapangulo ni Rodrigo Duterte. Sa panahon ng kaniyang kapanahunan bilang isang aktibista sa karapatang pantao, madalas siyang pangunahing target ng mafiang pampolitika at iniulat na nakatanggap ng maraming banta sa buhay dahil sa kaniyang mga aktibong kampanya laban sa mga paglabag sa karapatang pantao. Noong Agosto 17, 2020, pinaslang siya ng hindi kilalang mga armado, at ang pagpaslang sa kaniya ay nagpakita ng isang malubhang crackdown laban sa mga aktibista ng karapatang pantao at mga sibilyan sa Pilipinas.[1]
Zara Alvarez | |
---|---|
Kapanganakan | 1981 |
Kamatayan | 17 Agosto 2020 (edad May mali sa ekspresyon: Hindi kinikilalang karakter na bantas - "{") Eroreco, Barangay Mandalagan, Bacolod, Negros Occidental, Pilipinas |
Nasyonalidad | Pilipino |
Trabaho | Aktibista, tagapagtaguyod ng karapatang pantao, edukador, paralegal |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Regencia, Ted. "Human rights leader killed in Philippine 'war against dissent'". www.aljazeera.com. Nakuha noong 19 Agosto 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)