Si Ze’ev Herzog (Hebreo: זאב הרצוג‎, kapanganakan: 1941) ay isang Israeling arkeologo at propesor sa Kagawaran ng Arkeolohiya at Sinaunang Malapit na Silangang mga Kultura sa Tel Aviv University na ang espesyalisasyon ay sa panlipunang arkeolohiya, sinaunang arkitektura, at field archaeology. Siya ay nagsilbing direktor ng Sonia and Marco Nadler Institute of Archaeology sa Tel Aviv University mula 2005, at kasalukuyang nagsisilbi bilang tagapayo ng Israel Nature and National Parks Protection Authority sa pag-iingat at pag-unlad ng National Parks sa Arad at Beer Sheba, Israel.

Propesor Ze'ev Herzog

Si Herzog ay lumahok sa mga paghuhukay sa Tel Hazor at Tel Megiddo, Israel kasama ni Yigael Yadin at sa mga paghuhukay sa Tel Arad at Tel Be'er Sheva kasama ni Yohanan Aharoni. Siya ang nangasiwa sa mga paghuhukay sa Tel Beer Sheba, Tel Michal at Tel Gerisa at noong 1997 ay nagsimula ng isang bagong proyekto ng pagagalugad sa Tel Yafo (sinaunang Jaffa).

Si Herzog ang isa sa mga arkeologo ng Bibliya na nagsasabing:

“biblical archaeology is not anymore the ruling paradigm in archaeology and that archaeology became an independent discipline with its own conclusions and own observations which indeed present us a picture of a reality of ancient Israel quite different from the one which is described in the biblical stories.”[1]
Ang arkeolohiya ng Bibliya ay hindi na ang nananaig na paradigm sa arkeolohiya at ang arkeolohiya ay naging independiyenteng disiplina na may sarili nitong mga konklusyon at obserbasyon na talagang nagtatanghal ng larawan ng realidad ng sinaunang Israel na iba sa mga inilalarawan sa mga kuwentong biblikal.

Noong 1999, si Herzog ay sumulat ng artikulo sa harapang pahina ng magasin sa Israel na Haaretz na may pamagat na "Deconstructing the walls of Jericho". Ito ay umakit ng labis na atensiyon at mga debate sa publiko. Sa artikulong ito, si Herzog ay nagpakita ng mga ebidensiyang na nagsasaad na:

the Israelites were never in Egypt, did not wander in the desert, did not conquer the land in a military campaign and did not pass it on to the 12 tribes of Israel. Perhaps even harder to swallow is the fact that the united monarchy of David and Solomon, which is described by the Bible as a regional power, was at most a small tribal kingdom. And it will come as an unpleasant shock to many that the God of Israel, Jehovah, had a female consort and that the early Israelite religion adopted monotheism only in the waning period of the monarchy and not at Mount Sinai".[2]

Ito ang nalaman ng mga arkeologo sa kanilang paghuhukay sa bansang Israel: Ang mga Israelita ay hindi kailanman tumuntong sa Ehipto, hindi naglakbay sa ilang, hindi sinakop ang lupain (ng Canaan), at hindi ito ibinigay sa 12 lipi ng Israel. Marahil, ang isa sa napakahirap lunukin ay ang pinagkaisang kaharian ni David at Solomon na sinasabi sa Biblia na makapangyarihan sa buong rehiyon (ng Canaan), ay isang maliit na tribong kaharian lamang. At ikagugulat ng marami na ang dios ng Israel na si YHWH (o Yahweh) ay may asawang babae at ang mga sinaunang Israelita ay tinanggap lamang ang monoteismo sa panahong humina na ang kaharian at hindi sa Bundok Sinai.

Siya ay kapwa may-akda ng "Has King David's Palace in Jerusalem Been Found?"[3] na tumututol sa mga pag-aangkin ni Eilat Mazar na naniniwalang ang nahukay nito ay ang palasyo ni David sa Jerusalem na ngayon ay tinatawag na "Large Stone Structure"

Mga publikasyon

baguhin

Herzog has written a number of books and articles, including:

Mga panlas na kawing

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Lateline - 24/4/2000: It Aint Necessarily So. Australian Broadcasting Corp
  2. mideastfacts.org - Deconstructing the walls of Jericho, by Ze'ev Herzog
  3. Israel Finkelstein, Ze’ev Herzog, Lily Singer-Avitz, David Ussishkin (2007). "Has King David's Palace in Jerusalem Been Found?" (PDF). Tel Aviv, journal of the Institute of Archaeology of TAU. TAU. 34 (2). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-03-30. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. http://www.jstor.org/pss/1357660