Luya-luyahan

(Idinirekta mula sa Zedoary)

Ang luya-luyahan (Curcuma zedoaria) ay isang uri ng halamang kahawig ng tunay na luya. Ito ay isang perenyal na damong-gamot at nabibilang sa saring Curcuma, pamilya Zingiberaceae. Ang halamang ito ay katutubo sa mga bansang India at Indonesia. Ipinakilala ito ng mga Arabo sa Europa noong ika-anim na siglo ngunit ang gamit nito bilang pampalasa sa Kanluran ay bihira at napalitan na ng luya.

Luya-luyahan
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Klado: Commelinids
Orden: Zingiberales
Pamilya: Zingiberaceae
Sari: Curcuma
Espesye:
C. zedoaria
Pangalang binomial
Curcuma zedoaria
(Christm.) Roscoe

Kaanyuan

baguhin

Ang luya-luyahan ay isang rhizome na nabubuhay sa mga tropikal at subtropikal na mga magubat na rehiyon. Ang halaman na ito ay mabango at mayroon mga dilaw na mga bulaklak. Meron itong pula at luntiang mga bract at ang pangilalim ng lupa nitong katawan ay malaki at maraming sanga. Ang mga talbos ng dahon ng luya-luyahan ay mahahaba at maaring umabot ng isang metro (tatlong talampakan) sa taas.

Pagkain

baguhin

Ang makakaing ugat ng luya-luyahan at mayroong puting loob at bangong tulad ng mangga. Subalit ang lasa nito ay gaya ng luya ngunit mayroon itong mapait na naiiwang lasa. Pinupulbos ito at hinahalo sa curry sa Indonesya. Kinakain ito habang sariwa o kaya binuburo sa Indiya.

Medisina

baguhin

Ginagamit ang luya-luyahan sa mga tradisyonal na medisina ng silangan kung saan sinasabing tumutulong ito sa pagtunaw ng pagkain, pagpagaan ng colic at panlinis ng dugo.

Iba pang gamit

baguhin

Ang mga mahahalagang langis mula sa pinatuyong ugat ng Curcuma zedoaria ay ginagamit sa paggawa ng pabango[1], sabon at bilang sangkap sa mapapait na tonic.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X

Panlabas na Kawing

baguhin