Si Zef Jubani (ipinanganak na Zef Ndokillia; 1818–1880) ay isang Albanes na folklorista at aktibista ng Pambansang Kamulatang Albanes. Siya ay kilala sa paglalathala ng isang Koleksiyon ng mga Awiting-pambayang Albanes at mga Rhapsody sa diyalektong Gheg Albanes. Isinulong ni Jubani ang paglikha ng isang natatanging alpabeto ng wikang Albanes. Para sa kaniyang mga gawaing pampulitika, na madalas ay kontraklerikalista, si Jubani ay tinuligsa sa Banal na Luklukan ng mga Heswitang misyonero ng Shkodër.

Zef Jubani
Jubani sa isang 1968 selyo ng Albania
KapanganakanZef Ndokillia
1818[1]
Shkodër, Imperyong Otomano, modernong Albania[1]
KamatayanPebrero 1, 1880[1]
Trabahofolklorista, manunulat
WikaAlbanes
Pranses
Italyano
Kilusang pampanitikanPambansang Kamulatang Albanes
(Mga) kilalang gawaKoleksiyon ng mga Awiting-pambayang Albanes at mga Rhapsody

Si Zef Jubani ay ipinanganak noong 1818 sa Shkodër, Imperyong Otomano, sa isang kilalang pamilyang mangangalakal mula sa kalapit na nayon ng Juban. Ang kaniyang ina ay mula sa Malta, kaya sa pagitan ng 1830 at 1838 siya ay nag-aral doon habang nakatira kasama ang kaniyang tiyuhin. Pagkatapos bumalik sa Shkodër nagtrabaho siya mula noong 1848 bilang isang sekretarya ng consul na Pranses ng lungsod at naging katulong din ng ikalawang consul ng Nagkakaisang Kaharian noong 1853.[2] Ginugol ni Jubani ang isang makabuluhang bahagi ng kaniyang buhay sa Trieste, Venecia, at modernong Montenegro.

Pamana

baguhin

Mga obra

baguhin

Mula noong 1850, itinala ni Jubani ang alamat ng kanoyang sariling rehiyon. Noong 1858, inilathala ang bahagi ng kanyang trabaho sa Histoire et description de la Haute Albanie ou Guegarie na isinulat ni Hyacinthe Hecguard, noon ay Pranses na consul ng Shkodër. Ang mga orihinal na teksto ng mga katutubong awit na idinokumento ni Jubani na kasama sa obra ni Hecguard ay nawala noong Enero 13, 1866 sa panahon ng baha sa Shkodër. Ang kaniyang pinakakilalang gawa ay ang Koleksiyon ng mga Awiting-pambayang Albanes at mga Rhapsody (Albanes: Përmbledhje këngësh popullore dhe rrapsodish shqiptare , Italyano: Raccolta di canti popolari e rapsodie di poemi albanesi) na inilathala noong 1871 sa Trieste.[3] Ang Koleksiyon ng mga Awiting-pambayang Albanes at mga Rhapsody ay ang unang koleksiyon ng mga awiting-pambayan sa diyalektong Gheg Albanes at ang unang obrang-pambayan na inilathala ng isang Albanes na nanirahan sa Albania. Ang libro ay inilathala kasama ang dalawang pampolitika at pilosopikal na pag-aaral ng Jubani ang Kasalukuyang sitwasyon ng populasyon ng hilagang Albania (Albanes: Gjendja aktuale e popullit të Shqiperisë së Veriut) at Kaisipan sa kalagayang moral at kulturang intelektuwal ng mga mamamayang Albanes (Albanes: Kundrime mbi gjëndjen morale dhe mbi kulturën intelektuale të popullit shqiptar), na siyang panimula sa kaniyang pangunahing obra.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Elsie, Robert (2010). Historical Dictionary of Albania. Rowman & Littlefield. pp. 217–218. ISBN 978-0-8108-6188-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Clayer, p. 165
  3. Rivista europea: rivista internazionale (sa wikang Italyano). 1871.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)