Seno ng Elea

(Idinirekta mula sa Zeno ng Elea)

Si Zeno ng Elea (c. 490 – c. 430 BC) ay isang pilosopong Griyego na pre-Sokratiko (bago maganap ang pilosopiyang Sokratiko) ng katimugan Italya at isang miyembro ng Paaralang Eleatiko na itinatag ni Parmenides. Tinawag siya ni Aristotle bilang ang imbentor ng diyalektika.[1] Kilalang-kilala siya dahil sa kaniyang mga paradoksiya, na inilarawan ni Bertrand Russell sa wikang Ingles bilang "immeasurably subtle and profound" (hindi masukat ang pagiging mahirap maunawaan at malalim).[2]

Ang larawang ito ay maaaring si Zenon ng Elea o si Zenon ng Citium.

Mga gawa

baguhin

Bagaman maraming mga sinaunang mga manunulat na tumutukoy sa mga naisulat ni Zeno, wala sa mga naisulat niya ang umiiral pa na may kabuoan. Ayon kay Plato, ang mga kasulatan ni Zeno ay nadala sa Athens sa unang pagkakataon noong okasyon ng pagdalaw ni Zeno at Parmenides.[3]

Ayon kay Proclus sa kaniyang Commentary on Plato's Parmenides (Komentaryo sa Parmenides ni Plato), nakagawa si Zeno ng hindi bababa sa 40 mga argumento na nagpapakita ng mga kontradiksiyon",[4] subalit siyam lamang ang nalalaman sa kasalukuyang panahon. Ang mga argumento ni Zeno ang marahil ay naging unang mga halimbawa ng isang metodo ng pruweba na tinawag bilang reductio ad absurdum, na may literal na kahulugan na upang mabawasan ang kawalan ng katwiran. Ang mapangwasak na paraang ito ay ginamit niya nang labis hanggang sa siya ay maging tanyag dahil dito.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diogenes Laërtius, 8.57, 9.25
  2. Russell, p. 347: "In this capricious world nothing is more capricious than posthumous fame. One of the most notable victims of posterity's lack of judgement is the Eleatic Zeno. Having invented four arguments all immeasurably subtle and profound, the grossness of subsequent philosophers pronounced him to be a mere ingenious juggler, and his arguments to be one and all sophisms. After two thousand years of continual refutation, these sophisms were reinstated, and made the foundation of a mathematical renaissance..."
  3. Plato (370 BC). Parmenides Naka-arkibo 2004-08-03 sa Wayback Machine., isinalinwika ni Benjamin Jowett. Internet Classics Archive.
  4. Proclus; Morrow, Glenn R.; Dillon, John M. (1992) [1987]. Proclus' Commentary on Plato's Parmenides. Princeton, N.J.: Princeton University Press. ISBN 978-0-691-02089-1. OCLC 27251522.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) p29
  5. Si Zeno sa The Presocratics, Philip Wheelwright, ed. 1966. The Odyssey Press. 106-107.