Ang Zum Gali Gali ( Hebreo: זום גלי גלי‎ ) ay isang awiting Israel na naiuugnay sa Kibbutz, mga kolektibong pamayanan ng agrikultura sa Israel. Ang awitin ay tinutukoy din minsan bilang Awiting Pantrabaho ng Israel (Israeli Work Song) at kilala sa istilo ng ritmo nito. Nagsisimula ang awit sa paulit-ulit na estribilyo ("zum gali gali") bago magpatuloy sa mga berso. [1] Ang paulit-ulit na estribilyo mismo ay isang walang katuturang berso, [2] at walang direktang pagsasalin sa Ingles o sa Tagalog. [3]

Pangkalahatang-ideya

baguhin

Pinagmulan

baguhin

Ang eksaktong pinagmulan at may-akda ng Zum Gali Gali ay hindi pa natutukoy. Habang ang awitin ay naiugnay sa Kibbutz Mishmar HaEmek, posible na ito ay binuo sa ibang rehiyon. Maaari itong unang ginamit bilang bahagi ng isang dula. Ang unang paglathala ng awitin ay noong 1939 ng Hebrew Publishing Company (NY, USA), na nagpapahiwatig na ito ay tanyag sa mga Amerikanong Hudyo noong panahong iyon. Ang mga kasunod na publikasyon, tulad ng isang rekording noong 1948 ni Meir Lokitz, na naitala bilang bahagi ng Stonehill Collection: Recording of Holocaust survivors and Jewish immigrants to the United States, ay naglalaman ng mga kahaliling berso at ang kilalang estribilyo. Ang awitin ay unang ginanap sa isang kontekstong di-Hudyo ng instrumentalistang Aleman na si Bert Kaempfert .

Paggamit

baguhin

Ang Zum Gali Gali ay karaniwang ginagamit ngayon sa edukasyon sa musika ng mga Hudyo at di-Hudyo dahil na rin sa istilong ritmo nito, pagkakaayos ng mga nota, [4] [5] kultura at ang sari-saring pinagmulan. [6] [7] [8] [9]

Liriko

baguhin

Hechalutz lema'an avodah,

Avodah lema'an hechalutz

Zum gali gali gali

Zum gali gali

Zum gali gali gali

Zum gali gal

Hashalom lema'an ha'amim,

Ha'amim lema'an hashalom

Zum gali gali gali

Zum gali gali

Zum gali gali gali

Zum gali gal [3]

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin

 

  1. Carlson, D. L. (1980). Space, Time, & Force: Movement as a Channel to Understanding Music. Music Educators Journal, 67(1), 52-56.
  2. Rose, N. H. G. (1993). Corinne Aldine Seeds: Parallels with John Dewey and Rudolf Steiner - Possible Influence or Independent Development? Proceedings of Midwest Philosophy of Education Society.
  3. 3.0 3.1 Atkinson Smolen, L. & Oswald, R. A. (2011). Multicultural Literature and Response: Affirming Diverse Voices. ABC-CLIO.
  4. Marshall, H. D. (2004). Improvisation strategies and resources, Part 2. General Music Today, 18(1), 37-39
  5. Burton, S. L. (2018). Sound, Syllables, and Symbols. Engaging Musical Practices: A Sourcebook for Elementary General Music, 135.
  6. Lee, P. N. (2020). Cultural inheritance on indigenous music education: a Paiwanese music teacher’s teaching. Music Education Research, 22(2), 159-172.
  7. Veblen, K., & Beynon, C. (2003). Negotiating terms of diversity in Canadian music education. Many Musics Project. International Music Council of UNESCO. (pp. 16-17).
  8. Rivera, J. (2018). Repertoire & Resources: Sing, Dance, and Celebrate: Choral Music of Diverse World Traditions. The Choral Journal, 59(1), 67-76.
  9. Campbell, P. S. (1994). Multiculturalism and the raising of music teachers for the twenty-first century. Journal of Music Teacher Education, 3(2), 21-29.