Édouard Daladier
Si Édouard Daladier (18 Hunyo 1884 - 10 Oktubre 1970) ay isang politiko Pranses ng Partidong Radikal-Sosyalista. Siya ang Punong Ministro ng Pransiya noong magsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isinilang siya sa Carpentras, Vaucluse. Naglingkod siya noong Unang Digmaang Pandaigdig mula 1914 hanggang 1918. Naging kasapi siya ng Kamara ng mga Deputado mula 1919 hanggang 1940. Naging pangulo siya ng Partidong Radikal-Sosyalista noong 1934. Siya ang Primero ng Pransiya noong 1933, 1934 (labing-isang araw lamang), at mula 1938 hanggang 1940. Noong 1938, nilagdaan niya ang Pakto ng Munich (Kasunduan ng Munich o Tratado ng Munich). Pinirmahan niya ang pagpapahayag ng digmaan laban sa Alemanya noong 1939. Noong 1940, bumitiw siya mula sa tungkulin ng mga pagka-Primero nang sumuko ang Pransiya sa Alemanya, at inaresto ng pamahalaan ni Vichy noong 1940. Nakulong siya mula 1941 hanggang 1945. Naglingkod siya sa Asembleyang Pambansa mula 1946 hanggang 1958.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ "Édouard Daladier". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 373.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.