Ang Ōsaki (大崎市, Ōsaki-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Miyagi, Hapon. Magmula noong 1 Mayo 2020 (2020 -05-01), may tinatayang populasyon na 128,763 katao ang lungsod sa 51,567 mga kabahayan,[2] at kapal ng populasyon na 160 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 796.76 square kilometre (307.63 mi kuw). Kasapi ng Alyansa para sa Malusog na mga Lungsod (AFHC) ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang Ōsaki.[3]

Ōsaki, Miyagi

大崎市
lungsod ng Hapon, big city
Transkripsyong Hapones
 • Kanaおおさきし (Ōsaki shi)
Watawat ng Ōsaki, Miyagi
Watawat
Eskudo de armas ng Ōsaki, Miyagi
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 38°34′38″N 140°57′20″E / 38.57711°N 140.95558°E / 38.57711; 140.95558
Bansa Hapon
LokasyonPrepektura ng Miyagi, Hapon
Itinatag31 Marso 2006
Lawak
 • Kabuuan796.81 km2 (307.65 milya kuwadrado)
Populasyon
 (1 Marso 2021)[1]
 • Kabuuan127,135
 • Kapal160/km2 (410/milya kuwadrado)
Websaythttps://www.city.osaki.miyagi.jp/

Kasaysayan

baguhin

Bahagi ng sinaunang Lalawigan ng Mutsu ang lugar ng kasalukuyang Ōsaki, at tinitirhan na ito ng mga Emishi mula noong panahong Jōmon. Noong panahong Nara, natuklasan ang ginto sa lugar. Noong kahulihan ng panahong Heian, pinamunuan ito ng Hilagang Fujiwara. Pinagtalunan ng iba-ibang mga angkang samurai ang lugar noong panahong Sengoku, bago napunta ito sa kapangyarihan ng angkang Date ng Dominyong Sendai noong panahong Edo, sa ilalim ng kasugunang Tokugawa.

Itinatag ang bayan ng Furukawa kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad noong Abril 1, 1889. Itinaas ito sa katayuang panlungsod noong Disyembre 15, 1950.

Itinatag ang lungsod ng Ōsaki noong Marso 31, 2006, mula sa pagsasanib ng Furukawa at ng sumusunod na mga bayan: Iwadeyama at Naruko mula sa Distrito ng Tamatsukuri; Kashimadai, Matsuyama, at Sanbongi mula sa Distrito ng Shida; at Tajiri mula sa Distrito ng Tōda.

Demograpiya

baguhin

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[4] nanatiling matatag ang pagbabago ng populasyon ng Ōsaki sa nakalipas na 60 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
1960 138,978—    
1970 126,057−9.3%
1980 130,266+3.3%
1990 135,208+3.8%
2000 139,313+3.0%
2010 135,147−3.0%

Mga ugnayang kapatid na mga lungsod

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "宮城県推計人口(月報) - 宮城県公式ウェブサイト"; hinango: 1 Abril 2021; orihinal na wika ng pelikula o palabas sa TV: Hapones.
  2. Ōsaki city official statistics(sa Hapones)
  3. Alliance for Healthy Cities official home page
  4. Ōsaki population statistics
  5. Kunkle, Tara (Marso 25, 2009). "Middletown Sister Cities With Furukawa/Osaki City". Middletown Community News (sa wikang Ingles). Middletown USA official home page. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 19 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin