Dalet

(Idinirekta mula sa د)

Ang dalet (dāleth, ibinabaybay rin bilang Daleth o Daled) ay ang ikaapat na titik ng mga Semitikong abyad, kabilang dito ang Penisyong Dālet 𐤃, Ebreong 'Dālet ד, Arameong Dālath , Siriakong Dālaṯ ܕ, at Arabeng Dāl د (sa ayos-abjadi; ika-8 sa modernong ayos). Ang tunog nito ay matunog na panggilagid na plosibo (voiced alveolar plosive, [d]).

Dalet
Dalet
ד
Dalet
ܕ
د



Pagkakatawan sa ponemad, ð
Puwesto sa alpabeto4
Halaga sa bilang4
Mga alpabetong hango sa Penisyo
Δ D, Ð Д




Nakabatay ang titik sa isang glipo ng mga alpabeto ng Gitnang Panahon ng Bronse, marahil ay tinatawag na dalt "pinto" (ang pinto sa Modernong Ebreo ay delet), sa huli ay nakabatay sa heroglipikong naglalarawan ng pinto:

O31

Ang Penisyong titik ay umakay sa delta ng Griyego (Δ), D ng Latin, at Д ng Siriliko.